Chinese national tiklo sa pandurukot ng kapwa Chinese sa Maynila | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Chinese national tiklo sa pandurukot ng kapwa Chinese sa Maynila

Chinese national tiklo sa pandurukot ng kapwa Chinese sa Maynila

Lady Vicencio,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tatlong Chinese national ang na-rescue ng Manila Police District Crime Investigation Section na pare-parehong sinasabing dinukot sila ng mga kapwa-Chinese kapalit ng pera.

Nag-ugat ang operasyon sa isang tawag ng concerned citizen sa Dagonoy PCP na may lalaking Chinese na palakad-lakad sa kalsada na naka-posas.

Nang dalhin sa Sta. Ana Police Station ang lalaki, ikinuwento niyang lumuwas siya sa Maynila matapos mag-apply online bilang isang cook.

Pero nang makipagkita sa kausap na nagpakilalang employer, dinala na siya sa isang safehouse sa Makati at hindi na pinalabas.

ADVERTISEMENT

Ikinasa ang followup operation sa Barangay San Antonio na pinanggalingan ng lalaki.

Tiyempo namang may natanggap silang tawag na may tumalon sa isa sa mga bahay roon.

Sa tulong ng caretaker ng bahay, nakapasok ang mga pulis at nakita ang lalaking Chinese na sugatan at sinasabing tumalon mula sa bahay.

Ayon kay Police Maj. Rommel Anicete, hepe ng MPD Crime Investigation Section, inakala nilang biktima ang lalaki pero kinilala siya ng biktima na siyang nagbantay at nanakit sa kaniya.

Na-rescue naman sa ika-4 na palapag ng bahay ang dalawa pang Chinese national na nakaposas at naka-kadena pa.

Tadtad ng pasa ang katawan ng babaeng Chinese at may mga paso pa sa paa.

Siyam na araw na pala siyang nakakulong at tinangay pa ang P500,000 ipadadala sana niya sa kanyang pamilya sa China. Samantala, P20,000 naman ang nakuha sa kasama niyang lalaking Chinese na inalok lang ng swab test.

Lumalabas sa imbestigasyon na kini-kidnap ang mga Chinese national, pinagnanakawan, at hinihingan pa ng ransom ang kanilang mga pamilya sa China para sa kanilang kalayaan.

Bukod sa lalaking inaresto, isang kasamahan pa niya ang tukoy na ng mga pulis at pinaghahanap na.

May apat pang kasabwat na Chinese din ang hindi pa nakikilala.

Kakasuhan ang inaresto ng kidnapping with serious illegal detention.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.