3 Chinese timbog sa panghoholdap sa kababayan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 Chinese timbog sa panghoholdap sa kababayan

3 Chinese timbog sa panghoholdap sa kababayan

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 13, 2021 06:26 AM PHT

Clipboard

Kuha ng Southern Police District

MAYNILA - Hawak na ng mga pulis ang 3 lalaking Chinese na inaresto dahil sa panghoholdap at pagtangay ng P2 milyon sa kapwa Chinese sa Paranaque City noong Lunes ng gabi.

Sa ulat ng Southern Police District, biniktima ng mga suspek ang 24-anyos na si Zhang Huai Zhen, isang grocery salesman na nakatira sa Pasay City.

Nakipagkita ang biktima sa mga lalaki dahil sa nakita niyang online ad nila para sa murang exchange rate o palitan ng piso at Chinese yuan.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kuwento ng biktima sa mga pulis, nagsagawa sila ng transaksyon ng 4 na lalaki sa Sta. Ana Street kanto ng Daang Batang sa Bgy. Moonwalk bandang alas-10 ng gabi.

ADVERTISEMENT

Sa gitna nito, biglang nag-isprey ang isang suspek ng chili spray sa kanyang mata at tinangay ang kanyang bag na naglalaman ng P2-milyong cash.

Nahuli ng mga tanod ng Barangay Moonwalk ang 3 tumakas na lalaki na edad 25, 31, at 32.

Pero nakatakas ang isa dala ang bag at pera.

Nabawi sa mga inaresto ang 2 caliber .45, isang caliber .38 na baril, pati ang ginamit na chili spray.

Bukod sa robbery, nahaharap ang mga suspek sa kasong illegal possession of firearms and ammunition.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang kasamahan nilang at-large.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.