HALALAN 2019: Mga naghain ng kandidatura nitong Biyernes, Oktubre 12

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2018 04:55 PM | Updated as of Oct 12 2018 08:19 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagpatuloy sa ikalawang araw ang paghahain ng kandidatura nitong Huwebes sa Commission on Elections (Comelec) ng mga nais tumakbo sa halalan sa susunod na taon. 

Samantala, nagtalaga na si Pangulong Rodrigo Duterte ng papalit sa puwesto ng mga miyembro ng kaniyang mga gabinete na tatakbo sa Kongreso. 

Bukod sa mga nagnanais tumakbo bilang mga opisyal ng mga lokalidad at lalawigan, tinututukan din ang mga tatakbo para sa Kamara at sa 12 bukas na puwesto sa Senado. 

Naghain nitong Biyernes ng kanilang certificates of candidacy (COC) ang mga sumusunod: 

 SENADO: 

— Kakandidato si Binay para sa ikalawang termino sa Senado. Siya ang isa sa mga nanguna sa Pulse Asia Survey ng mga senatorial bets na isinagawa noong Setyembre. Ikalima si Binay sa mga nanalo sa halalan noong 2013. 

— Ngayon ay pinuno si Dela Rosa ng BuCor. Bago iyon ay itinalaga siya bilang hepe ng Philippine National Police, na nagpatupad sa giyera kontra droga ng gobyerno, kabilang na ang Oplan Tokhang, na umani ng batikos mula sa ilang kritiko dahil sa umano'y paglabag sa karapatang pantao. 

  • Larry Gadon

— Siya ang abogadong nagsampa ng kaso laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno kaugnay ng hindi umano pagdeklara ni Sereno ng kaniyang statement of assets and liabilities (SALN), na nagbunsod sa pagkakasibak ni Sereno sa kaniyang puwesto.

Naharap si Gadon sa apat na kaso ng disbarment kasunod ng umano'y pagmumura niya sa ilang tagasuporta ni Sereno sa isang rally sa Baguio City. 

Watch more in iWant or TFC.tv

 KAMARA: 

— Ilang buwan matapos magbitiw bilang bise alkalde ng Davao City, naghain nitong Biyernes ang presidential son na si Paolo ng kaniyang kandidatura bilang kongresista ng Davao City. 

Nagbitiw sa puwesto si Duterte noong Pasko ng 2017 kasunod ng hidwaan sa kaniyang anak at pagkakadawit sa pagpupuslit umano ng P6.4 bilyong halaga ng shabu na nakalusot umano sa Bureau of Customs.

LOKAL: 

— Naghain nitong Biyernes ng kaniyang COC para sa pagkagobernador si Escudero, na magtatapos ng kaniyang ikalawang termino bilang senador sa 2019. Bago magsilbi bilang senador, naging kongresista si Escudero ng Sorsogon. 

Tumakbo siya ngunit natalo bilang bise presidente sa halalan noong 2016. 

— Naghain si Mayor Lani Mercado ng kandidatura para sa kanyang ikalawang termino. Nang maghain ng COC, sinabi niya na buo pa rin ang suporta sa kaniya ng angkan ng kaniyang asawa na si dating Senador Bong Revilla, na patuloy na nakakulong sa Camp Crame.

Makakalaban niya ang bayaw at kongresistang si Strike Revilla, na dati nang nagsilbing alkalde ng Bacoor. 

  • Oca Malapitan (Caloocan Mayor) 

— Nais makamit ni incumbent Caloocan Mayor Oscar "Oca" Malapitan ang kaniyang ikatlong termino bilang alkalde ng lungsod. Bago maging alkalde, naihalal na siya sa dalawang termino sa Kamara bilang kinatawan ng unang distrito ng Caloocan. 

Watch more in iWant or TFC.tv
  • Isko Moreno (Manila Mayor) 

— Matapos mabigo sa kaniyang kampanya sa pagkasenador noong 2016, tatakbo na bilang alkalde ng Maynila si Moreno. 

Bago maghain ng kaniyang COC, nagbitiw ang dating aktor sa kaniyang puwesto bilang Department of Social Welfare and Development (DSWD) undersecretary. Nagsilbi ring bise alkalde si Moreno ng Maynila para sa dalawang termino. 

  • Jerika Ejercito (Manila councilor) 

— Si Jerika Ejercito ang anak ng kasalukuyang alkalde ng Maynila na si Joseph "Erap" Estrada. Ayon sa kaniya, nais niyang tulungan ang kaniyang ama, na tatakbo para sa kaniyang ikatlong termino.

Mga 'butas' sa gabinete 

Samantala, nakatakdang punan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga butas na iiwan ng mga miyembro ng kanyang gabinete na nagdesisyong maghain ng kandidatura. 

Papalitan ni dating Customs chief Nicanor Faeldon si Ronald Dela Rosa bilang pinuno ng Bureau of Corrections kasunod ng paghain ni Dela Rosa ng COC sa pagkasenador.  

Sinabi ni Duterte sa isang talumpati nitong Huwebes na papalitan ni United Nations envoy Teddy Boy Locsin si Alan Peter Cayetano bilang Foreign Affairs secretary, kasunod ng pasya ni Cayetano na tumakbo bilang kongresista ng ikalawang distrito ng Taguig-Pateros.

Nauna nang kinompirma ni Special Assistant to the President Christopher "Bong" Go nitong Huwebes na gagawing concurrent spokesperson at legal counsel ni Duterte si Salvador Panelo dahil sa plano ni Harry Roque na tumakbo sa Senado. 

Bagaman hindi pa naghahain ng kanilang COC sina Go at Roque, sinabi ni Dela Rosa na kasama ang dalawa sa listahan ng mga kandidato ng HNP. 

Kasama rin sa listahan sina Maguindanao 2nd district Rep. Zajid Mangudadatu, incumbent Senators JV Ejercito at Cynthia Villar, Ilocos Norte Governor Imee Marcos, at Taguig-Pateros 2nd District Rep. Pia Cayetano. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.