Climate change, food security tinalakay ni Marcos sa UN speech | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Climate change, food security tinalakay ni Marcos sa UN speech

Climate change, food security tinalakay ni Marcos sa UN speech

Pia Gutierrez,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 21, 2022 07:30 PM PHT

Clipboard

Nagbibigay ng talumpati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa United Nations Headquarters sa New York noong Setyembre 20, 2022. Peter Foley, EPA-EFE
Nagbibigay ng talumpati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa United Nations Headquarters sa New York noong Setyembre 20, 2022. Peter Foley, EPA-EFE

Sa unang pagkakataon, humarap sa world stage si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kaniyang talumpati sa United Nations General Assembly (UNGA) sa New York, United States noong madaling araw ng Miyerkoles.

Isa si Marcos sa 35 heads of state na nagbigay ng talumpati sa unang araw ng UNGA, na itinuturing na pinakamalaking stage ng mga world leader para pag-usapan ang mga mahahalagang isyu at ilahad ang kanilang mga prayoridad.

Sa kaniyang higit 20-minutong talumpati, nanawagan si Marcos ng agarang pagtugon sa climate change, na siya umanong pinakamalaking banta na kinakaharap ng mundo ngayon.

"The effects of climate change are uneven and reflect an historical injustice. Those who are least responsible suffer the most," ani Marcos.

ADVERTISEMENT

"The Philippines, for example, is a net carbon sink, we absorb carbon dioxide than we emit. And yet, we are the fourth most vulnerable country to climate change," dagdag niya.

Pinaalala din ni Marcos sa mga industrialized nation ang kanilang obligasyon at pangako na bawasan ang greenhouse emission at tulungan ang mga bansang lubhang apektado ng climate change.

Watch more News on iWantTFC

Hindi direktang binanggit ni Marcos ang sigalot dala ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, pero iginiit pa rin niya ang mapayapang paglutas ng mga alitan sa pagitan ng mga bansa at pagtalima sa international law.

Mananatili naman umano ang polisiya ng Pilipinas na maging kaibigan ng lahat ng bansa.

Isa-isa ring idinetalye ng Pangulo ang kahalagahan ng investment sa food security at edukasyon, ang pagtugon sa nuclear weapons proliferation, pati na ang lumalalang insidente ng racism, diskriminasyon at Asian hate.

"This system must work for the most vulnerable, especially the marginalized, migrants and refugees. The world has witnessed the enduring contribution of migrants in the fight against this pandemic," ani Marcos.

"We still dream of an end to the disturbing incidents of racism, of Asian hate, of all prejudice," aniya.

Pagdating sa ekonomiya, ibinalita ni Marcos na "on track" ang Pilipinas na maging isang middle-income country sa 2023 at "moderately prosperous" sa 2040.

Samantala, humingi ng suporta ni Marcos mula sa mga miyembro ng United Nations (UN) para sa kandidatura ng Pilipinas upang maging miyembro ng UN Security Council para sa taong 2027 hanggang 2028.

Ang council ay responsable sa pagpapanatili ng kapayapaan sa iba-ibang panig ng mundo.

"My country's experiences in building peace and forging new paths of cooperation can enrich the work of the Security Council. And to this end I appeal for the valuable support of all UN member states for the Philippines' candidature to the Security Council for the term 2027-2028," ani Marcos.

Hindi pa natatapos ang partisipasyon ni Marcos sa UNGA at may mga naka-schedule pa siyang bilateral meeting kasama ang ilang heads of state.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.