ALAMIN: Mga naitalang COVID-19 variant sa Pilipinas | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga naitalang COVID-19 variant sa Pilipinas

ALAMIN: Mga naitalang COVID-19 variant sa Pilipinas

Josiah Antonio,

ABS-CBN News

Clipboard

Transmission electron micrograph of SARS-CoV-2 virus particles, isolated from a patient. Image captured and color-enhanced at the NIAID Integrated Research Facility (IRF) in Fort Detrick, Maryland. Credit: NIAID
Transmission electron micrograph of SARS-CoV-2 virus particles, isolated from a patient. Image captured and color-enhanced at the NIAID Integrated Research Facility (IRF) in Fort Detrick, Maryland. Credit: NIAID

MAYNILA — Sumisirit pa rin ang bilang ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa Pilipinas ngayong 2021 sa kabila ng lampas isang taong pagsasailalim ng bansa sa community quarantine.

Ang mga virus katulad ng SARS-CoV-2 na nagdudulot ng COVID-19 ay nagbabago at maaari itong makaapekto sa nauna nang katangian ng virus.

Batay sa pananaliksik ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang mga variant ay mas mabilis kumalat ngunit may iba’t iba itong dalang epekto sa kalusugan.

Nauna nang paalala ng doktor na si Eva Dela Paz, Executive Director ng National Institutes of Health ng University of the Philippines, na pag-iingat at pagsunod sa health protocols ang panangga sa mga variants katulad noon.

ADVERTISEMENT

Kasama ang Technical Advisory Group on Viral Evolution ng World Health Organization (WHO), nagkaroon ng classification ang mga COVID-19 variant upang maitala ang mga pagbabago ng naturang virus.

Mayroong dalawang uri ng variants: ang variants of interest at variants of concern.

Batay sa working definition ng WHO, ang variants of interest ay mga variant na may genetic changes na kilalang nakakaapekto sa mga katangian ng virus tulad ng mga sumusunod:

  • transmissibility
  • disease severity
  • immune escape,
  • diagnostic o therapeutic escape

Anila, nakilala ito bilang sanhi ng community transmission o multiple COVID-19 clusters pati na rin sa maraming bansa na may relatibong pagtaas ng kaso o iba pang epidemiological impact sa pampublikong kalusugan.

Ang variants of concern naman ay nakikitaan ng variants of interest sa pamamagitan ng comparative assessment at nakikitaan ng isa o higit pang pagbabago sa antas ng global public health significance ng mga sumusunod:

ADVERTISEMENT

  • Pagtaas ng transmissibility o nakakapinsalang pagbabago sa COVID-19 epidemiology
  • Pagtaas ng virulence o pagbabago sa clinical disease presentation
  • Pagbawas ng bisa ng pampublikong kalusugan at mga social measures o magagamit na mga diagnostics, bakuna, at therapeutics

Ating iisa-isahin ang mga naitalang mga COVID-19 variant sa bansa at kung paano ba ito naiiba at nakakaapekto sa ating kalusugan.

Alpha variant

Ang B.1.1.7 o mas kilala bilang Alpha variant ay unang naitala sa United Kingdom noong Setyembre 2020. Naitala ang unang kaso ng variant of concern sa Pilipinas nitong Enero, 13, 2021.

Ito ay kumakalat nang mas mabilis kaysa sa ibang variant at may potensyal na magdulot ng mas malalang sakit o pagpanaw sa mga nahawa, ayon sa CDC.

Anila, ang mga awtorisadong vaccines ay epektibo laban dito pati na rin ang mga kasalukuyang treatment.

“Some breakthrough infections in fully vaccinated people are expected but remain rare. All vaccines are particularly effective against severe illness, hospitalization, and death,” anila.

ADVERTISEMENT

Beta variant

Ang B.1.351 naman mas kilala bilang Beta variant ay isa ring variant of concern na unang naitala sa South Africa noong Mayo 2020. Naitala ang unang kaso nito sa Pilipinas nitong Marso, 2, 2021.

Ayon sa CDC, maaari rin itong kumalat nang mas mabilis kaysa sa ibang variant ngunit batay naman sa kasalukuyang datos hindi ito nag-i-indicate ng mas malalang sakit o pagpanaw kumpara sa ibang variants.

Dagdag pa nila, epektibo rin ang mga awtorisadong vaccines sa variant ngunit may ilang mga monoclonal antibody treatments na mas mababa ang epekto sa naturang variant.

Gamma variant

Ang P.1 naman mas kilala bilang Gamma variant ay pangatlo sa mga variants of concern na unang naitala sa Brazil noong Nobyembre 2020.

Naitala ang unang kaso nito sa Pilipinas sa noong Marso 13, 2021, ilang araw matapos maitala ang unang kaso ng Beta variant at nagbunsod ng pagsasailalim muli sa ilang bahagi ng bansa sa enhanced community quarantine (ECQ).

ADVERTISEMENT

Ang Gamma variant ay kumakalat nang mas mabilis kumpara sa ibang variant ngunit katulad ng Beta variant hindi ito nag-i-indicate ng mas malalang sakit o pagpanaw kumpara sa ibang variants batay na rin sa kasalukuyang datos.

Sinabi rin ng CDC na epektibo ang mga awtorisadong vaccines sa variant ngunit may ilang mga monoclonal antibody treatments na mas mababa ang epekto rito.

P.3 variant

Ang P.3 variant ay naglalaman ng “mutations of concern” na unang na-detect sa Pilipinas ngunit hindi pa ito dinedeklarang variant of concern ng health department ng bansa dahil sa umano’y kakulangan sa datos.

Kalaunan, nadiskubreng galing sa Pilipinas ang variant sa Japan na anila’y unang kumpirmasyon ng naturang kaso.

Kasabay naitala ang unang kaso ng P.3 variant sa unang kaso ng Gamma variant.

ADVERTISEMENT

Delta variant

Ang B.1.617.2 na mas kilala bilang Delta variant naman ang ikaapat sa mga variants of concern na unang naitala sa India noong Oktubre 2020. Naitala ang unang kaso nito sa Pilipinas nitong Mayo, 11, 2021.

Ito ay kumakalat nang mas mabilis kaysa sa ibang variant at may potensyal na magdulot ng mas malalang sakit o pagpanaw sa mga nahawa, ayon sa CDC.

Epektibo man ang lahat ng mga bakuna ngunit may ilang mga monoclonal antibody treatments na mas mababa ang epekto rito.

May paalala rin ang CDC hinggil sa naturang variant.

“Infections happen in only a small proportion of people who are fully vaccinated, even with the Delta variant. Some breakthrough infections are expected, but remain rare,” anila.

ADVERTISEMENT

“However, preliminary evidence suggests that fully vaccinated people who do become infected with the Delta variant can spread the virus to others.”

Lambda variant

Isa namang variant of interest ang C.37 na mas kilala bilang Lambda variant na unang naitala sa Peru noong Disyembre 2020. Naitala ang unang kaso nito sa Pilipinas nitong Agosto, 15, 2021.

May mga ulat man, wala pa umanong ebidensiyang mas nakakamatay ito kumpara sa ibang variants of concern at variants of interest, ayon sa mga awtoridad.

Ayon sa World Health Organization, pinag-aaralan pa ang transmissibility rate ng Lambda variant o kung gaano kabilis na kayang kumalat ng virus sa isang lugar kaya hindi pa nila masasabing variant of concern ito.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.