ALAMIN: Ano ang mga COVID-19 mutation at gaano sila kadelikado? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ano ang mga COVID-19 mutation at gaano sila kadelikado?

ALAMIN: Ano ang mga COVID-19 mutation at gaano sila kadelikado?

Kristine Sabillo,

ABS-CBN News

Clipboard

Video courtesy of PTV


MANILA— Malaki ang pangamba ngayon ng mga Pilipino sa kumakalat na mga variant ng COVID-19. Sinasabi kasing mas nakahahawa ang mga ito at ang ilan naman ay nababawasan ang pagka-epektibo ng mga bakuna.

Ayon kay Dr. Eva Dela Paz, Executive Director ng National Institutes of Health ng University of the Philippines, wala pa silang nade-detect na Brazil variant of concern sa Pilipinas bagama't may mga kaso na ng sinasabing UK at South African variants.

Sa isang government briefing, tinanong si Dela Paz kung posibleng nakapasok na sa bansa ang Brazil variant of concern na P.1. Aniya, may posibilidad ito ngunit sa kasalukuyan ay wala pa sila nade-detect gamit ang genome sequencing.

“Alam niyo hindi ho natin maaaring ma-disregard ang posibilidad na 'yan. Pero sa ngayon po sa araw na ito kasi po tuloy-tuloy ang ating pagge-genomic surveillance at pagse-sequence ng mga samples ng virus galing sa samples ng mga pasyente sa different parts of the Philippines,” ani Dela Paz.

ADVERTISEMENT

“Subalit sa ngayon po wala pa. Wala pa pong pumapasok na Brazil P.1 variant,” aniya.

Kailangan pa umano ng dagdag na genome sequencing sa mga lugar na may pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Ito ay taliwas sa unang inanunsyo ng Quezon City government na mayroon nang mas nakahahawang Brazil variant sa bansa.

VARIANT O LINEAGE

Ipinaliwanag ni Dela Paz na ang mayroon pa lang sa Pilipinas ay ang “Brazil lineage” na hindi naman mas nakahahawa.

“Magkaiba ang lineage sa variant. Ang lineage ay subtype ng SARS-CoV-2 virus na galing sa isang common ancestor o ninuno. Para po itong angkan o pamilya,” aniya.

Sa Pilipinas, ang lineage o angkan ng virus na pinakamarami ay iyong galing Hong Kong na nasa 24%.

Ang mutation naman ay ihinalintulad ni Dela Paz sa isang typographical error.

“Kasi kinokopya niya ang sarili nya (para magparami). Sa pagkopyang 'yun pwede magka-typo error, ito ay upang sila ay mag-survive o mas malakas. Habang lumalaki ang bilang ng kaso ng COVID nabibigyan ng pagkakataon ang virus na magbago,” aniya.

Kapag naipon umano ang mutation na malaki ang epekto sa virus ay tinatawag na itong variant.

“Hindi lahat ng mutation nakakasama ngunit merong mutation na nakakasama,” ayon kay Dela Paz.

Ang mga variant na may mutation na maaaring nakasasama ay tinatawag na variants of concern.

“Ang nakita pa lang sa ating bansa ay P.1.1.7 otherwise known as the UK variant and the B.1.351 or the South African variant,” ani Dela Paz.

NAKABABAHALANG MUTATION

Bagama't ang mutation ay normal sa mga virus, ayon kay Dela Paz: “Sa UK, South Africa and Brazil variant, lahat nagtataglay ng kakaibang constellation ng signature mutations.”

“Lahat po sila ay may N501Y mutation. Ang mutation na ito ay nakakaapekto sa receptor-binding domain ng spike protein… Ang mutation na ito ay malapit sa dulo ng spike protein kaya binago nito ang hugis ng protina upang ito ay magkaroon ng mas mahigpit na kapit sa selyula (ng tao).”

Ang E484K naman at tinatawag na escape mutation.

“Tinawag itong isang escape mutation sapagka't nakakatulong ito sa pagtakas ng virus sa panlaban sa immune system ng katawan.”

Ayon kay Dela Paz, may ilang pag-aaral na nagpapakita na mas mataas na lebel ng antibodies ang kailangan upang maiwasan ang impeksyon kung ang virus ay may mutation na ito.

Gayunpaman, nakita umanong epektibo pa rin ang ibang bakuna sa mga nasabing variants of concern.

“Sa mga pagsusuri na ginawa sa UK kung saan unang lumabas ang B.1.1.7 variant, ang potensyal na epekto nito ay increased transmissibility. Tinatayang 40% ang pagtaas ng transmissibility dahil sa variant na ito,” sabi ni Dela Paz.

Pareho lang umano ang panlaban sa mga variant na ito: ang pag-iingat at pagsunod sa health protocols.

Naniniwala si Dela Paz na maaaring dahil isang taon nang naka-lockdown ang Pilipinas, “medyo napagod na” ang mga Pilipino sa pagsunod sa health protocols.

“Nagiging kampante na po tayo. Kailangan nating ulitin ang mensahe na kailangan pababain ang kaso ng mga virus. Kasi 'pag pinababa po natin ang mga kaso, bababa din ang tiyansa ng virus na mag-mutate at maminsala sa atin,” aniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.