Cebu City nakaranas ng pag-apaw ng ilog, landslide dahil sa masamang panahon | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Cebu City nakaranas ng pag-apaw ng ilog, landslide dahil sa masamang panahon

ABS-CBN News
Published Aug 07, 2022 11:53 AM PHT
|
Updated Aug 07, 2022 12:55 PM PHT

Ilang pamilya ang inilakas gabi ng Sabado sa Cebu City matapos umapaw ang Butuanon River dahil sa buhos ng ulan.

Ayon kay Dexter Bontilao Velayo, councilor ng Barangay Pit-os, mabilis na napasok ng tubig ang mga bahay ng mga residente ng Sitio Tabok dahil sa pagbahang dulot ng pag-apaw ng ilog.

Kasalukuyang tumutuloy sa sports complex ng barangay ang mga inilikas.

Inihahanda na ang ayudang ipapamahagi sa mga apektadong pamilya at nagsasagawa na rin ng assessment sa mga napinsalang bahay.

ADVERTISEMENT
Nakapagtala ang disaster office ng lungsod ng landslide o pagguho sa parehong lugar at sa may Barangay Pulangbato.

Samantala, nangangamba naman ang mga residente ng Barangay Alang-alang, Mandaue City sa posibilidad ng pagbaha, lalo't hindi pa anila sila tapos maglinis ng kanilang mga bahay na binaha rin noong gabi ng Huwebes.

"So far, we're all safe, but the flood keeps on making us anxious. It might soften the soil below and the walls would collapse," ani Angel-J Quismundo.

Nag-ikot ang mga responder ng Mandaue City sa mga barangay malapit sa Butuanon River para ipaalala sa mga residente ang mga banta sa ilog at hikayatin silang lumipat sa mas mataas na lugar.

— Ulat ni Annie Perez
RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT