Padre de pamilya ng mga biktima sa Bulacan massacre, wala na sa listahan ng 'persons of interest' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Padre de pamilya ng mga biktima sa Bulacan massacre, wala na sa listahan ng 'persons of interest'

Padre de pamilya ng mga biktima sa Bulacan massacre, wala na sa listahan ng 'persons of interest'

ABS-CBN News

Clipboard

Tinanggal na sa listahan ng mga "persons of interest" sa Bulacan massacre si Dexter Carlos Sr., na siyang nawalan ng asawa, tatlong anak at biyenan sa pagpaslang sa kanilang bahay noong Hunyo 27.

"Nahuli na ba ang lahat ng suspek?" unang tanong umano ni Carlos kay Persida Acosta, hepe ng Public Attorney's Office (PAO) at siya ding abogado nito.

"Talagang gusto niya ng hustisya [para] sa kanyang pamilya," dagdag pa ni Acosta.

Ang deklarasyon ng Philippine National Police (PNP) na hindi na kasama sa "persons of interest" si Carlos ay magandang pangyayari, ayon kay Acosta.

ADVERTISEMENT

Paliwanag ni Acosta, kailangang maging mapanuri ang mga imbestigador sa pagkalap ng mga ebidensiya.

"Napakasakit sa isang namatayan na ikaw pa ang pagbintangan," salaysay ni Acosta.

Matatandaang kamakailan ay isinama ng pulisya sa mga person of interest si Carlos, bukod sa ilan nang naunang naiugnay sa pagpaslang. Labis itong ikinasama ng loob ni Carlos, na nangungulila sa kanyang pamilya.

Ang pinakamalakas na ebidensiya para kay Carlos, isang security guard, ay wala siyang motibo para patayin ang kanyang pamilya, ani Acosta.

"Suportado siya ng kanyang mga kasamahan sa trabaho," dagdag pa ng PAO chief.

Nauna nang pinaslang ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang tatlong dawit sa massacre sa magkakahiwalay na insidente.

Samantala, tumugma naman ang nakuhang DNA profile sa maselang bahagi ng katawan ni Estrella Dizon, asawa ni Carlos, sa sample na kinuha sa pangunahing suspek na si Carmelino Ibañez.

Matatandaang umamin si Ibañez sa paghalay sa biktima at ina nitong si Auring Dizon bago sila pinaslang. Binawi niya ito makalipas ang ilang araw at sinabing pinahirapan siya ng mga pulis para umamin.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.