Ikatlong dawit sa Bulacan massacre, natagpuang patay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ikatlong dawit sa Bulacan massacre, natagpuang patay

Zhander Cayabyab,
ABS-CBN News
Published Jul 08, 2017 08:55 AM PHT
|
Updated Jul 08, 2017 10:18 PM PHT

(UPDATED) Patay na umano ang isa pang "person of interest" o taong itinuturong may kaugnayan o may nalalaman sa pagpatay sa pamilya ni Dexter Carlos Sr. sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sabado ng umaga ay kinumpirma sa DZMM ng isang kamag-anak ng person of interest na si Anthony Garcia, alyas "Tony," na patay na ito.

"Sana po hindi na pinahirapan. Kung pinatay, pinatay na lang," sabi ni "Mateo" (hindi tunay na pangalan), at malapit na kamag-anak ni Garcia.

Dinukot si Garcia sa bahay ng lolo niya sa Bulacan noong Biyernes ng madaling araw. Ang insidente ng pagdukot ay kinumpirma rin ni Superintendent Fitz Macariola, hepe ng pulisya sa San Jose del Monte.

Ayon sa kamag-anak ni Garcia, may tumawag sa kanila Sabado ng umaga upang ibalitang may natagpuang bangkay sa Pacalag, San Miguel, Bulacan. Nang puntahan nila, nakumpirma nilang si Garcia nga ito.

"Pinuntahan ko po sa site na pinagtapunan. Naka-masking tape ang mukha, naka-masking tape din ang kamay patalikod at may tama ng baril sa ulo at dibdib, tumagos sa may braso," sabi ni Mateo.

Si Garcia ay ang pangatlong person of interest sa masaker sa Bulacan na natagpuang patay.

"Parang nasasangkot daw siya pero parang walang matibay na ebidensiya kaya siya ay pinakawalan," kuwento pa ni Mateo.

Giit ni Mateo na hindi gumagamit ng bawal na gamot si Garcia, na ang nanay ay nagtatrabaho bilang overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait.

Isa si Garcia sa mga itinuro ng suspek na si Carmelino "Miling" Ibañez na kasabwat umano sa pagpatay sa biyenan, asawa at tatlong anak ni Carlos.

Pero sa kabila ng kumpirmasyon mula sa pamilya ni Garcia, hinihintay pa rin pulisya ng San Miguel ang hepe ng San Jose del Monte upang matiyak kung ang bangkay na natagpuan ay isa nga sa kanilang persons of interest.

"Nakausap ko yung hepe ng San Jose del Monte, on the way na siya sa aming area para i-confirm kung ito po talaga yung kanilang person of interest," pahayag ni Superintended Isagani Enriquez.

Hinihintay din aniya ang pagdating ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa lugar.

"Marami po siyang gunshot wounds. Naka-wrap po ng masking tape yung mukha," banggit ni Enriquez.

Matatandaang natagpuan ang bangkay ni Rolando Pacinos, alyas "Inggo," noong Martes.

Kasunod nito ay binaril ng hindi pa kilalang salarin na pumasok sa loob ng kanilang bahay si Rosevelth "Ponga" Sorima.

Samantala, nawawala pa rin ang huling person of interest na si Alvin Mabesa, na dinukot umano ng mga lalaking sakay ng isang van.