DNA mula sa ari ng biktima, tumugma sa suspek; negatibo sa 3 napatay na 'persons of interest' | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DNA mula sa ari ng biktima, tumugma sa suspek; negatibo sa 3 napatay na 'persons of interest'

DNA mula sa ari ng biktima, tumugma sa suspek; negatibo sa 3 napatay na 'persons of interest'

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 14, 2017 11:22 PM PHT

Clipboard

Tumugma ang nakuhang DNA profile sa vaginal swabbing na ginawa sa biktimang si Estrella Dizon sa DNA profile ng pangunahing suspek sa Bulacan massacre na si Carmelino Ibañez, ayon sa resulta ng laboratory test.

Nagnegatibo naman sa DNA result ang tatlong napatay na 'persons of interest' na sina Rolando Pacinos, alyas 'Inggo'; Anthony Garcia, alyas 'Tony'; at Roosevelt Sorima, alyas 'Ponga'.

Nakitaan din ng DNA ng apat na biktima ang narekober na kitchen knife, maliban sa batang si Donnie Carlos.

Ayon sa San Jose Del Monte Bulacan PNP, patunay ito na nasa lugar na pinangyarihan ng krimen ang pangunahing suspek na si Ibañez at ang kutsilyong narekober ay ang ginamit sa pagpatay sa mga biktima.

ADVERTISEMENT

Paliwanag pa ng mga pulis, marami na umanong nakahawak sa door knob ng bahay ng mga biktima kaya hindi na nakakuha ng fingerprint doon para matukoy kung sino-sino ang mga pumasok sa bahay nang mangyari ang krimen.

Sa ngayon, iniimbestigahan nila ang padre de pamilya ng limang minasaker na si Dexter Carlos.

Hindi pa isinasara ng Bulacan PNP ang kaso ng Bulacan massacre lalo't lumalabas ngayon na higit sa isa ang salarin sa krimen.

Nakatakdang isumite ng Bulacan PNP sa piskalya ang resulta ng DNA laboratory na magpapatibay ng kaso laban kay Ibañez.

Itinuturing naman nilang hiwalay na kaso ang insidente ng pagpatay sa 'persons of interest', pero tiniyak nilang tinututukan din nila ito.

-- Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.