Suspek sa Bulacan massacre, sinabing tinortyur para umamin | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Suspek sa Bulacan massacre, sinabing tinortyur para umamin

ABS-CBN News
Published Jul 06, 2017 12:09 PM PHT
|
Updated Jul 06, 2017 09:49 PM PHT

Binalutan ng plastic sa ulo at pinahirapan daw siya ng mga pulis kaya nagawang akuin ng suspek sa Bulacan massacre ang brutal na pagpatay sa limang magkakaanak.

Binawi nitong Miyerkoles ni Carmelino Ibañez ang kanyang pahayag na siya ang pumatay sa lola, nanay at kanyang 3 batang anak sa kanilang bahay sa San Jose del Monte, Bulacan.

Tinortyur at pinagbantaan daw siya ng mga pulis para umamin sa krimen, ayon sa panayam ni Ibañez sa programang Failon Ngayon.

"Kaya ko nasabi yun kasi natatakot ako sa mga pulis po kasi natatakot ako sa mga pulis po kasi po tinorture po ako nila sa likod po...Binalutan po nila ako ng plastic sa ulo, tapos inanuhan po ako ng martilyo sa kamay kaya nasabi ko po yun," ani Ibañez, 26 anyos.

ADVERTISEMENT
Sinabi ni Ibañez na siya ay nasa kanyang bahay at umiinom nang boluntaryo siyang sumama sa mga pulis.

"Sumurender po ako kasi natatakot po ako kasi sabi po nila kapag umuwi daw po ako, baka kung ano daw pong gagawin sa akin," dagdag niya.

Pinabulaanan naman ni Central Luzon police director Chief Supt. Aaron Aquino na tinortyur si Ibañez.

"May nakita ba kayong markings sa katawan? We will never do that," aniya.

Ayon pa kay Aquino, iniimbestigahan pa rin nila ang pagpatay sa dalawang "persons of interest" sa Bulacan massacre.

Kinilala ang dalawa na sina Rosevelth Sorima at isang alias "Inggo."

Ang pagbawi ni Ibañez ay salungat sa nauna niyang pahayag na siya ang pumatay sa lahat ng limang biktima - Aurora Dizon, kanyang anak na si Estrella, at tatlong apo na 1, 5 and 11-anyos. Dose-dosenang saksak ang napala ng mga biktima.

Nauna ng sinabi ni Ibañez sa ABS-CBN News na ginahasa nyang pareho sina Aurora at Estrella nang biglaan. "Parang naisipan lang," aniya.

Sinabi rin niya na nakainom at nakadroga sila ng kanyang mga kasama na sina alias "Tony" at "Inggo" nang pinatay nila ang lima.

Subalit nag-negative si Ibañez sa drug test nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Philippine National Police chief Director General Ronald "Bato" dela Rosa, maaring nag-negative ang resulta dahil kaunti lang at low grade shabu ang hinithit ng suspek.

Dagdag pa niya, nagpa-drug test ang suspek 48 oras matapos ang pagpatay. Maaari lang ma-detect ng urinalysis ang droga sa katawan 48 oras matapos ang pagkonsumo nito.

Nananatili pa rin si Ibañez sa kustodiya ng mga pulis.

Samantala, nag-aalala ang ilang residente para sa kanilang kaligtasan matapos ang brutal na masaker sa kanilang lugar.

Pangamba nila, wala nang ibang security sa lugar bukod sa mga pulis na nagbabantay sa bahay ng mga biktima.

Iniimbestigahan ng NBI at pulisya ang nasabing masaker.