Komunidad, nangangamba sa seguridad dahil sa Bulacan massacre | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Komunidad, nangangamba sa seguridad dahil sa Bulacan massacre

ABS-CBN News
Published Jul 06, 2017 08:15 PM PHT
|
Updated Jul 06, 2017 10:59 PM PHT

Nag-aalala ang ilang residente para sa kanilang kaligtasan matapos ang brutal na pagpatay sa limang miyembro ng pamilya Carlos sa isang subdivision sa San Jose del Monte, Bulacan.

Pangamba nila, wala nang ibang security sa lugar bukod sa mga pulis na nagbabantay sa bahay ng mga biktima.
Ayon pa sa ilang residente, maluwag talaga ang seguridad sa subdibisyon at malayang nakalalabas-pasok ang mga tricycle at iba pang sasakyan.

Sa pag-ikot ng News team sa subdibisyon, napag-alamang sa main gate lang pala may bakod.
Sa likod at mga gilid nito natatapos ang sementadong kalsada bago marating ang talahiban na tumatagos sa ibang lugar.
Nangangamba tuloy ang mga kapitbahay ng mga napatay.

Kuwento ng residenteng si Cora Enriquez, talagang madilim sa kanilang lugar kaya natakot siya nang malamang patay na ang kanyang mga kapitbahay.

Nananawagan siya ngayon sa presidente ng Homeowner’s Association na dagdagan ang mga nagbabantay sa subdibisyon.

Imbestigasyon ng NBI
Isa si Aling Cora sa mga kinausap ng mga taga-National Bureau of Investigation nang magsagawa sila ng parallel investigation sa crime scene.

Ikinuweto rin ni Aling Cora na kaya nagpapaigib ng tubig ang pamilya Carlos ay dahil walang kuntador ang pamilya ni Roosevelth Sorima alias 'Ponga' na tinuturing na person of interest.

Tiningnan din ng NBI ang iba't ibang bahagi ng bahay lalo na ang likod kung saan sinasabing dumaan ang pumatay sa pamilya.
Sinubukan ng News team na kunan ng pahayag ang mga opisyal ng Homeowner's Association pero walang tao sa kanilang opisina.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT