TIMELINE: Masaker sa Bulacan | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TIMELINE: Masaker sa Bulacan

TIMELINE: Masaker sa Bulacan

ABS-CBN News

Clipboard

Nadiskubre ang brutal na pagmasaker sa limang miyembro ng pamilya Carlos sa tinutuluyan nilang bahay sa Northridge Royal Subdivision sa San Jose del Monte, Bulacan noong Hunyo 27 ng umaga.

Natagpuang patay sa saksak ang mag-inang Auring at Estrella Dizon at magkakapatid na sina Donny, Ella at baby Dexter.

Noong hapon ding iyon, may mga inimbitahang 'persons of interest' ang mga pulis.

Hunyo 29 ng umaga, unang naibalita at naka-one-on-one interview ng ABS-CBN News team ang pangunahing suspek na si Carmelino Ibañez alyas “Miling” matapos maaresto.

Inamin niya ang naging partisipasyon sa pamamaslang.

Sa kanyang pahayag, dalawa ang kanyang napatay at hinalay niya ang dalawang babaeng biktima.

Dito rin niya unang itinuro ang dalawa niyang kasama na sina alyas “Tony” at alyas “Inggo” at sinabing trip lang nila ang ginawang krimen.

ADVERTISEMENT

Tanghali ng Hunyo 29, iprinisinta ng PNP Region 3 at Bulacan PNP si Ibañez sa isang press conference.

Malaya pa siyang nagsalitang muli sa harap ng mga taga-media sa PNP Camp Olivas sa Pampanga.

Noong hapon ding iyon, isinailalim sa inquest proceeding at drug test si Ibañez.

Hunyo 30 naman nang magbigay ng extrajudicial confession si Ibañez sa harap ng tumayong abogado niya noon na si Atty. Jose Cruz kung saan kumambiyo siya sa naunang pahayag.

Sabi niya, pinasok nila ang bahay at isa ang kaniyang napatay na babae at wala raw siyang hinalay.

ADVERTISEMENT

Nang hapon ding iyon, inimbitahan si alias “Tony”, isa sa persons of interest pero pinakawalan din ayon sa mga pulis.

Biyernes naman nang dukutin si Alvin Mabesa na isa sa naimbitahan ng mga pulis sa presinto.

Hanggang ngayon, hinahanap pa rin si Mabesa ng kanyang pamilya.

Hulyo 4, natagpuang patay si Ronald Pacinos alyas “Inggo” sa katabing subdibisyon.

Kinahapunan, nakiramay sina Pangulong Rodrigo Duterte at PNP chief Director General Ronald dela Rosa sa mga biktima ng masaker.

Nang hapon ding iyon, eksklusibong nakapanayam ng news team si Rosevelth Sorima alyas “Ponga” na isa rin sa ‘persons of interest’ sa kaso.

Itinanggi niyang may kinalaman siya sa krimen.

ADVERTISEMENT

Hulyo 5, pinasok at pinagbabaril sa loob ng kanilang bahay si Sorima alyas ‘Ponga’ ng dalawang lalaking nakatakip ang mukha.

Kinahapunan, nakausap ng “Failon Ngayon” si Ibañez na nagsabing tinortyur siya ng mga pulis kaya siya umamin sa krimen.

Itinanggi rin niya ang mga nauna niyang pahayag.

Hulyo 6, muling sumalang sa media interview si Ibañez at pinanindigan na wala siyang kinalaman sa masaker.

Tinakot lang umano siya kaya napilitang umamin.

Ikinuwento rin niya ang pagpukpok umano sa kanya ng mga pulis gamit ang martilyo at pagsuntok sa kanyang dibdib at sikmura.

Hindi naman ikinagulat ng mga pulis ang pagbawi ng testimonya ni Ibañez pero itinanggi nila ang pag-torture dito.

ADVERTISEMENT

Hindi naman nababahala ang Public Attorney's Office sa naging pahayag ni Ibañez.

Sa isang text message, sinabi ni Atty. Jose Cruz, tumayong abogabo ni Ibañez ng araw na ginawa ang kaniyang extrajudicial confession, na kailangang unawain si Ibañez dahil hindi ito nakatapos ng Grade 1 at maaaring hindi mentally competent.

Pero paliwanag ni Cruz, napaalalahanan si Ibañez sa kaniyang mga karapatan sa harap pa mismo niya at ng kapatid nitong babae.

Karapatan din umano ni Ibañez na mag-retract o bawiin ang mga una niyang pahayag at humanap ng magdedepensa sa kanya.

Gayunman, apektado na ang kaniyang kredibilidad at mental capacity.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon, nananatili sa kustodiya ng San Jose Del Monte PNP si Ibañez habang hinihintay ang resulta ng DNA test na maaaring lumabas dalawang linggo mula ngayon.

--Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.