Ilog sa Bulacan isinara matapos dagsain sa kabila ng pandemya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilog sa Bulacan isinara matapos dagsain sa kabila ng pandemya

Ilog sa Bulacan isinara matapos dagsain sa kabila ng pandemya

ABS-CBN News

 | 

Updated May 24, 2021 06:54 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

(UPDATE) Isinara muna sa publiko ang picnic grounds ng isang ilog sa Norzagaray, Bulacan matapos dagsain ng maraming tao nitong Linggo.

Higit 2,000 tao ang dumayo sa Bakas River sa Barangay Matictic para mag-swimming, kung saan karamihan sa kanila ay walang suot na face mask, ayon sa pulisya.

Kaya ngayon Lunes, bantay-sarado ng mga barangay tanod ang kalsadang papunta sa picnic area para matiyak na walang makakapasok.

"Ang utos sa'min ngayon ay temporary closed ang Bakas River," sabi ng tanod na si Florante Jadraque Sr.

ADVERTISEMENT

Sa panayam ng TeleRadyo, sinabi ni Bulacan police chief Col. Lawrence Cajipe na agad nilang pinuntahan ang ilog matapos ma-monitor ang pagdagsa ng mga tao.

Nasa 75 tao ang natiketan dahil hindi agad umuwi.

Iniimbestigahan din ng pulisya ang umano'y paniningil ng entrance fee.

Sa ilalim ng general community quarantine "with heightened restrictions" na kasalukuyang umiiral sa Bulacan, pinapayagang mag-operate ang mga outdoor tourist attraction sa 30 porsiyento na kapasidad.

Nanawagan si Jhorolar Andres, municipal legal officer ng Norzagaray, sa publiko na sundin ang 30 porsiyentong kapasidad sakaling buksan muli ang ilog.

Pero sa ngayon, wala pang abiso mula sa lokal na pamahalaan kung kailan muling bubuksan ang ilog para sa picnic o swimming.

Sa Zambaonga City, hindi bababa sa 50 residente ang naabutan ng mga awtoridad na nagpi-picnic at naliligo sa ilog sa Barangay Sta. Maria nitong Linggo rin.

Tanging frontliners lang ang pinapayagang lumabas ng kanilang mga bahay tuwing Linggo, ayon sa lockdown guidelines ng lungsod.

Binalaan lang umano ang mga naabutang residente na iwasan ang pag-picnic sa ilog at pinaalalahanang sumunod sa health protocols.

Kasama ang Sta. Maria sa 10 barangay sa lungsod na may pinakamataaas na kaso ng COVID-19.

Kamakailan, isang resort sa Caloocan ang tuluyang ipinasara ng lokal na pamahalaan dahil sa pagtanggap ng mga bisita kahit ipinagbabawal pa sa ilalim ng umiiral na quarantine protocols noon.

Kalauna'y natuklasang positibo sa COVID-19 ang 4 na nag-swimming sa Gubat sa Ciudad resort.

-- Ulat nina Jorge Cariño, ABS-CBN News; at Liezel Lacastesantos

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.