Zamboanga City hiniling na mapalawig ang MECQ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Zamboanga City hiniling na mapalawig ang MECQ

Zamboanga City hiniling na mapalawig ang MECQ

ABS-CBN News

Clipboard

Umapela ngayong Huwebes ang alkalde ng Zamboanga City sa national government na palawigin ang modified enhanced community quarantine (MECQ) status sa kanilang lungsod sa gitna ng patuloy na pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 doon.

Kabilang ang Zamboanga City sa mga lugar na tumaas ang naitatalang kaso ng COVID-19 at average daily attack rate o bilang ng mga nagkakasakit sa kada 100,000 populasyon.

"We are appealing to national government to extend our MECQ 'pagkat binigyan lang kami from May 8 to 14," ani Zamboanga City Mayor Beng Climaco.

"Kulang po ang quarantine status kung gusto talaga namin ma-obtain ang mga request ng mga doctor. Kailangan at least 2 weeks to a month," ani Climaco.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon, may 2,039 active COVID_19 cases sa Zamboanga City, sabi ng alkalde.

Posible aniyang dumami ang mga kaso dahil sa mga bumibiyahe.

Isa rin sa mga may mataas na kaso ang Puerto Princesa sa Palawan, ayon sa OCTA.

Hindi lubusang matukoy umano ni Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron kung paano tumaas ang kaso sa kanilang lugar.

"Maraming contributing factors pero hindi ma-pinpoint sa isang pinanggalingan. May mga pasaway din na mga tao dito... posible ring after ma-ease 'yong travel restriction noong February," ani Bayron.

Ayon sa 2 mayor, punuan pa rin ang kanilang ospital at quarantine facility kaya may ibang nagka-quarantine na lang sa bahay, bagay na baka lalong maging dahilan ng pagkalat ng sakit.

Nauna nang sinabi ng OCTA Research Group na bumaba nang 16 porsiyento ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa nitong nagdaang linggo.

Noong Abril 9 hanggang 16, pumalo sa 11,000 ang average na bilang ng mga bagong kaso kada araw. Pero noong nakaraang linggo'y nasa 6,418 na lang ito.

Pero mataas pa rin ang bilang ng mga bagong kaso ngayon kompara sa unang beses na nakaranas ng peak ang bansa noong Agosto 2020.

Hindi rin naiiba ang sitwasyon sa National Capital Region (NCR), kung saan bumababa na rin ang mga bagong kaso pero mataas pa rin kompara sa dami noong nagsisimula pa lang ang taon.

Samantala, bagaman nakakahinga na ang mga ospital, nais pa rin umano ng Private Hospitals Association of the Philippines na palawigin ang modified enhanced community quarantine sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

Ngayong Huwebes, pumalo sa 1,124,724 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 matapos makapagtala ang Department of Health ng 6,385 dagdag na kaso.

Sa bilang na iyon, 55,260 ang active cases.

Nakatakdang ianunsiyo ngayong gabi ng Huwebes ni Pangulong Rodrigo Duterte ang susunod na quarantine status sa bansa.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.