Ilang lungsod tinukoy na 'areas of concern' dahil sa pagdami ng COVID-19 cases | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang lungsod tinukoy na 'areas of concern' dahil sa pagdami ng COVID-19 cases

Ilang lungsod tinukoy na 'areas of concern' dahil sa pagdami ng COVID-19 cases

Bianca Dava,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 09, 2021 07:31 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Ilang lungsod ang tinukoy ng OCTA Research Group na "areas of concern" dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Kasama rito ang Bacolod, Cagayan de Oro, Puerto Princesa, at Zamboanga City, ayon kay Guido David, fellow ng grupong nagsasagawa ng pag-aaral sa datos ng may kinalaman sa COVID-19.

"Dapat matutukan yan ng local government. Based on history, nakikita natin ang smaller LGUs (local government unit) na ito, mas mabilis nilang nako-control ang situation, so hindi pa naman necessarily alarming ito," ani David.

Bumaba naman ang daily virus cases sa Metro Manila sa average na 2,100 mula sa dating 5,500 kaso.

ADVERTISEMENT

Posible namang bumaba pa ang bilang ng mga kasong naitatala sa Metro Manila sa mga susunod na linggo.

Ayon kay David, dapat gradual o unti-unti ang pagluluwag ng mga quarantine restriction sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan, na nakaranas kamakailan ng surge.

"Ayaw nating mabigla at magkaroon ng reversal of trend na tumaas ulit," aniya.

Ayon din sa grupo, nakitaan din ng bahagyang pagtaas ang mga kaso ng COVID-19 sa Laguna.

Dahil dito, mahalaga umanong magtuloy-tuloy ang pagbabakuna, lalo sa mga lugar na may mataas na bilang ng mga kaso.

ADVERTISEMENT

"Hindi naman surge pero like in Laguna, medyo unstable ang trend. Hindi siya bumababa at the same rate, mabagal ang decrease niya," ai David.

"The most major metropolitan areas like NCR (National Capital Region), Cebu, maybe Davao, sila ang nahihirapan to cope with upsurge kasi mas maraming tao. That’s why we echo ang sinabi ng vaccine czar natin to prioritize major metropolitan areas, including NCR," sabi ni David.

Ipapamahagi ngayong linggo sa mga lokal na pamahalaan ang mga natanggap na doses ng COVID-19 vaccine mula AstraZeneca noong Sabado pati ang mga paparating na bakuna ng Pfizer.

Dahil nag-uumpisa na ring i-roll out ang mga bakunang sensitibo sa temperatura, gaya ng Sputnik V at Pfizer, iminungkahi ni vaccine czar Carlito Galvez sa mga LGU na alamin ang bilang ng mga indibiduwal na babakunahan kada araw.

"Ang magandang nakita namin is the inoculation should be well-planned and timed. Once it’s been removed from the warehouse, kailangan na talagang magamit 'yon," ani Galvez.

ADVERTISEMENT

Naghahanda na rin daw ang gobyerno para hindi maudlot ang pagbabakuna pagdating ng tag-ulan.

"We will have a rainy season this coming June. We have some sort of a collective recommendation, that instead of drive-thru [vaccination sites], we will use malls, other rooms of hotels and also other places with concrete and undisturbed location," ani Galvez.

Sa ngayon, umaabot sa 2 milyon indibiduwal ang nababakunahan kontra COVID-19 sa bansa o katumbas ng 3 porsiyento ng target population na 70 milyon.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.