1 namatay matapos pumila sa community pantry ni Angel Locsin; aktres nag-sorry sa siksikan sa pila | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
1 namatay matapos pumila sa community pantry ni Angel Locsin; aktres nag-sorry sa siksikan sa pila

ABS-CBN News
Published Apr 23, 2021 03:28 PM PHT
|
Updated Apr 23, 2021 10:29 PM PHT

MANILA (UPDATE) - Isang matandang lalaki ang namatay Biyernes ng umaga matapos mahilo habang nakapila sa community pantry na inorganisa ng aktres na si Angel Locsin sa Barangay Holy Spirit, Quezon City, ayon sa pulisya.

Sa report ng Holy Spirit Police Station 14, nahimatay ang 67 anyos na si Rolando dela Cruz habang nakapila sa community pantry, kung saan may libreng pagkain, bandang alas-9 ng umaga Biyernes.

Dinala si Dela Cruz sa East Avenue Medical Center pero idineklarang dead on arrival bandang 9:20 ng umaga.
Nauna nang may naiulat na tatlong nahilo sa pila sa community pantry.

Humingi ng pasensiya si Locsin matapos mauwi sa siksikan ang itinayo niyang community pantry bilang selebrasyon ng kaniyang kaarawan.

ADVERTISEMENT
Nakatakda sanang ipamahagi ang suplay sa community pantry bandang alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon hanggang sa nagkasiksikan umano ang mga tao sa lugar.

Courtesy: Facebook page ni Angel Locsin
Pero ayon kay Locsin sa isang Facebook video na kinuhanan alas-11:10 ng umaga, sinimulan nila nang maaga ang pamamahagi dahil sa dami ng mga tao sa pila. Binigyan din umano nila ng mga checklist ang mga tao para mas mabilis silang makapili ng kung ano ang kailangan nila.

Nang magsimula umanong magbukas ang community pantry ay nasusunod naman daw ang health protocols hangga’t sa may mga sumingit umano sa pila.

May mga dumating din na mga pulis at militar pero hirap din daw nilang makontrol ang bilang ng mga nakapila, na umabot umano ng Commonwealth Avenue mula Don Antonio.

Para kay Locsin, posibleng dala ng gutom ang pagsingit ng iba sa pila.

"May mga markers pa po na nakalagay para ma-observe ang social distancing at maka-follow ng protocols, nagpatulong naman kami sa munisipyo… May pumunta sa police and military pero hindi lang makontrol ang mga tao. Hindi po ito ang gusto ko, nagsimula kami nang mayaos. Ang aming layunin ay pagkakaroon ng social distancing, nagkataon na siguro gutom na po ang tao na kahit wala po sa pila ay sumingit na po sila," ani Locsin.

Ayon kay Ian Nieva ng disaster management office ng barangay, tatlo ang kanilang sinaklolohan matapos mahilo ang mga ito habang nakapila.

Humingi na rin ng pasensiya si Locsin sa mga naabala sa pagbubukas nila ng community pantry.

"So sa mga naabala po, pasensiya na po at hindi po ito ang intensiyon natin at kahit anong paghahanda na ma-avoid itong gulo, hindi lang talaga siya ma-control kahit andito na po ang barangay, pulis, hindi lang po ma-control,” ani Locsin, na kilala sa paglahok sa iba't ibang relief operations sa mga nakalipas na taon.

Humingi na rin ng dispensa si Locsin sa mga hindi maaabutan ng suplay ng kanilang community pantry.

Tingin niya rin na malabo nang maipagpatuloy pa ito sa mga susunod na araw dahil sa mga nangyari.

"Sa mga hindi mabibigyan today, nais ko po magbigay ng... Magsabi ng pasensiya po at gusto ko man pong mag-abot, I don’t think na papayagan ako na gagawin ito," sabi ni Locsin.

"Gusto ko po sanang mag-celebrate ng birthday ko na nakakatulong sa tao, hindi ko po intensiyon na makagulo," dagdag niya.

KULANG SA ABISO
Sa isang pahayag, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na sasagutin ng city government ang pagpapalibing kay Dela Cruz at magbibigay din ng tulong pinansiyal sa kaniyang pamilya.

Aniya, nawa'y magsilbing paalala ang insidente sa mga organizer ng community pantry ukol sa crowd control. Ayon kay Belmonte, hindi nabigyan ng maagang abiso ang city hall ukol sa planong pantry ni Locsin.

"While Quezon City will continue to throw its full support behind community pantry initiatives, this unfortunate incident should serve as an important reminder for organizers to please be reminded of my appeal to coordinate all efforts with the barangay, and if necessary, with the LGU. The barangay and local government are here to assist with crowd control and health protocols, to ensure that untoward incidents are minimized," ani Belmonte.

"Advanced coordination will allow all stakeholders to be proactive, rather than reactive. Sadly, in this case, we were not advised regarding any plans, which would have surely made a difference in the outcome of today's events," dagdag niya.

Sa panayam naman kay Barangay Holy Spirit Chairman Felicito Valmocina, ikinadismaya niya ang umano’y kakulangan sa koordinasyon ng kampo nina Locsin.

"Ang nakalagay naman doon sa request, dalawang tanod lang so kapag dalawang tanod alam mo manageable 'yung 100. Ok na 'yun, ganu'n lang nasa isip ko, kaya tiningnan ko tuloy doon sa Instagram niya at at saka Facebook ni Madame Angel ilan nang follower niya, 23 million eh tapos mag-post ka ng ganito,” ani Valmocina.

Ayon pa kay Valmocina, umabot ng libo ang dumagsa mula sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan kaya pinag-iisipan na nila kung may legal ba silang hakbang dahil baka sila pa kasi aniya ang mapasama dahil sa insidente.

'WALANG IBANG SINISISI'
Emosyonal namang humarap sa programang TV Patrol si Locsin, ilang oras matapos ang insidente at muling humingi ng tawad sa mga naabala sa insidente.

Muling iginiit ni Locsin na wala siyang ibang sinisisi kung 'di ang kaniyang sarili sa nangyari. Nirerespeto din aniya nila ang naging hinaing ng ilan sa insidente.

"Kung sinasabi na nagkulang po ako ay tatanggapin ko po, nirerespeto ko po iyon, hindi naman po ako magtuturo ng ibang tao kasi wala naman akong nakikitang iba pang dapat sisisihin kahit po 'yong mga tao [na nakapila] kasi gutom na gutom na po sila," umiiyak na sinabi ni Locsin sa panayam.

Ayon kay Locsin, hindi na siya magpapatayo ng community pantry matapos nito.

"Wala na po. Hindi na po. Humingi lang po ako ng talaga ng tawad, pasensiya na po talaga... Dahil sa mga nangyari wala na po akong masabi na iba kundi sorry po talaga," ani Locsin.

Pero sa oras na kailanganin ng tulong ng mga naulila ni Dela Cruz ay handa naman siyang magbigay ng tulong dito.

"Alam mo wala naman sigurong sapat nga na makakapawi sa pain na naramdaman ng pamilya. Pero, kung ano po 'yung kailangan nila sa akin, andito po ako. Oras, financial support kung ano pong support," ani Locsin.

Sa Maginhawa street sa Quezon City unang umusbong ang community pantry, na ngayon ay isa nang movement na kumalat na sa iba't ibang lugar, maging sa labas ng bansa.

— May ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
community pantry
Angel Locsin community pantry
Barangay Holy Spirit
Titanium Building
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT