Bagong laya na drug suspek, patay sa buy-bust sa Iloilo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bagong laya na drug suspek, patay sa buy-bust sa Iloilo

Bagong laya na drug suspek, patay sa buy-bust sa Iloilo

ABS-CBN News

Clipboard

Courtesy: Region 6 Police Drug Enforcement Unit.

ILOILO - Patay ang isang suspek matapos manlaban sa mga kapulisan sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Damires, sa bayan ng Janiuay sa probinsiyang ito, hapon ng Miyerkoles.

Kinilala ang namatay na si Daniel Dalisay, 33 taong gulang at nakatira sa Brgy. Balabag sa bayan ng Pavia.

Ayon kay P/Lt.Col. Mark Anthony Darroca ng Regional Police Drug Enforcement Unit, ng Police Regional Office 6, nang mapansin ng subject na pulis ang katransakyon nito ay tumakbo ito at ang isa pang kasamahan, at nagpaputok umano ng baril sa mga kapulisan.

Gumanti din ng putok ang mga operatiba sa suspek at tinamaan si Dalisay at nakatakas naman ang kasama nito. Agad na dinala sa ospital ang suspek ngunit ideneklara itong dead on arrival.

ADVERTISEMENT

Ayon sa awtoridad, bagong laya lang si Dalisay mula sa New Bilibid Prison sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Samantala, narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 11 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit P200,000, at isang caliber 9 mm pistol.

Arestado naman ang may ari ng bahay kung saan nangyari ang buy-bust operation, at nakatakdang sampahan ng kaso ng mga awtoridad.

-- Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.