Higit P2-M halaga ng hinihinalang shabu nakuha sa Angeles City

ABS-CBN News

Posted at Apr 13 2021 03:06 AM

Higit P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng pulisya sa isang buy-bust operation sa lungsod ng Angeles, Pampanga, Lunes ng hatinggabi.

Nakuha ang 3 plastic bag ng naturang kontrabando, na nasa 300 gramo ang bigat at aabot sa P2,040,000 ang street value.

Kinilala ang suspek na si Ton-ton, isang high value target na dati na ring nahuli sa pagkakasangkot din sa ilegal na droga.

Mahaharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.--Ulat ni Gracie Rutao

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.