'High value target' patay sa drug bust sa Tagum City

ABS-CBN News

Posted at Apr 11 2021 04:45 PM

Tagum City, DAVAO DEL NORTE — Patay ang isang lalaking itinuturing na high-value target matapos manlaban umano sa buy-bust operation sa lungsod na ito, sabi ngayong Linggo ng lokal na Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay PDEA-Davao Region Director Antonio Rivera, nanlaban ang suspek na si Alihul Kamsa nang malamang mga pulis ang katransaksiyon sa operasyong nangyari noong Biyernes sa Barangay Magugpo West.

Dinala pa sa ospital si Kamsa pero idineklara ring dead on arrival.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang 3 gramo ng hinihinalang shabu at isang baril.

Ayon kay Rivera, itinuturing na high-value target si Kamsa dahil sa pagkakasangkot nito sa pagbebenta ng ilegal na droga sa lungsod.

— Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.