Shabu sa pakete ng tsaa nasabat, 3 drug suspek patay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Shabu sa pakete ng tsaa nasabat, 3 drug suspek patay

ABS-CBN News
Published Apr 12, 2021 07:01 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Patay ang 3 drug suspek sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Pasay at Parañaque nitong weekend.

Nasa P81.6 milyong halaga ng shabu na nakatago sa mga pakete ng tsaa ang nasabat sa 2 operasyon, ayon sa pulisya.

Noong Sabado, patay ang isang alyas Richard sa West Service Road, Barangay Sun Valley sa Parañaque matapos makatunog na pulis ang katransaksiyon niya at magpapaputok ng baril.

Nakuha ang 5 kilo ng shabu na may halagang P43 milyon na nakatago sa pakete ng tsaa.
Nakuha ang 5 kilo ng shabu na may halagang P43 milyon na nakatago sa pakete ng tsaa.
ADVERTISEMENT
Nitong Linggo, 2 suspek ang patay sa C5 Extension sa Pasay.

Nakuha ang 7 kilo ng shabu na may halagang 47.6 milyon mula kila alyas Domeng at alyas Rey.

Ang mga suspek ay kilalang nagtutulak umano ng droga sa lugar at ang mga supplier umano nila ay mga Chinese, ayon kay Metro Manila Police chief Vicente Danao.

Dagdag niya, hindi parte ng plano ang pagkamatay ng mga drug suspek, pero kailangan umanong gawin para protektahan ang buhay ng mga pulis at mga sibilyan.

--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT