2 umano'y holdaper patay sa hot pursuit operation sa Davao City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 umano'y holdaper patay sa hot pursuit operation sa Davao City

2 umano'y holdaper patay sa hot pursuit operation sa Davao City

ABS-CBN News

Clipboard

Sa lugar na ito naabutan ng mga pulis ang dalawang suspek na nanlaban umano kaya nabaril at napatay ng awtoridad. Larawan mula sa Toril Police

DAVAO CITY - Nasawi sa hot pursuit operation ng Toril Police ang dalawang lalaki na sangkot umano sa pangho-holdap, Biyernes ng gabi.

Ikinasa ang operasyon matapos positibong kinilala ng biktimang si Julie Ann Panganiban ang nagnakaw at nang-holdap umano sa kanya na sina Napoloeon Butuan at Warren Gayak sa Sitio Glabaca, Barangay Lizada sa Toril.

Ayon sa pulisya, matapos matunton ang kinaroroonan ng dalawa, bigla umanong bumunot si Butuan ng baril at pinaputukan ang pulis pero nakailag umano ito.

Ang kaniyang kasama naman na si Gayak ay kumuha umano ng katana at sinugod ang isa pang pulis.

ADVERTISEMENT

Pero nabaril umano ng mga operatiba ang dalawa.

Naisugod pa sa Davao Mediquest Hospital ang dalawa pero idineklarang dead on arrival.

Narekober sa crime scene ang isang katana, isang .38 revolver, mga basyo ng bala, at ilang personal na gamit.

Narekober din ang mga ninakaw umano na gamit sa biktima na isang cellphone, P720 cash, at ID.

- Ulat ni Hernel Tocmo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.