Higit P210-M halaga ng shabu nasabat sa Las Piñas buy-bust; 2 patay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit P210-M halaga ng shabu nasabat sa Las Piñas buy-bust; 2 patay

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Apr 14, 2021 06:29 AM PHT

MAYNILA—Napatay ang 2 drug suspect nang mauwi sa engkwentro ang buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng Las Piñas Martes ng gabi.

Dead-on-the-spot sa madilim na kalye sa subdivision sa Bgy. Almanza Uno ang mga lalaki na kinilalang sina Coco Amarga — ang target ng operasyon — at Andrew Garcia.

2 men are killed in a buy-bust operation at a subdivision in Almanza Uno, Las Piñas City. Police seized over 30 kilos or more than P210-million worth of suspected shabu pic.twitter.com/arnKnXzRNc
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) April 13, 2021

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas, binilhan ang mga suspek ng 1 kilo ng shabu pasado alas-10 ng gabi. Pero nagpaputok umano sila nang aarestuhin.

Ikinasa ang operasyon ng PNP Drug Enforcement Group kasama ang National Capital Region Police Office, Southern Police District, at Las Piñas City Police.

ADVERTISEMENT
“Dineclare nila na buy-bust. Nang ni-declare na nila, nataranta mga suspek, bumunot at nakipagbarilan sa pulis. So alam mo naman pag mga alanganing lugar, alerto na rin mga pulis natin,” aniya.

Narekober sa crime scene ang 2 caliber .45 na baril.

Nasabat naman sa loob ng sasakyan ng mga suspek ang 3 kahon na may nasa 30 kilo ng hinihinalang shabu sa loob ng mga Chinese tea pack.

Kasama ang binentang 1 kilo, tinatayang nagkakahalaga ito ng mahigit P210 milyon.

Inaalam pa ng PNP kung luma o bagong stock ito ng droga.

The dead were identified as Coco Amarga (the main target of the bust) & Andrew Garcia.
Police said the 2 are considered new players, having no previous mention in a drug watch list. pic.twitter.com/HibHidBlEe
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) April 13, 2021
The dead were identified as Coco Amarga (the main target of the bust) & Andrew Garcia.
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) April 13, 2021
Police said the 2 are considered new players, having no previous mention in a drug watch list. pic.twitter.com/HibHidBlEe
Tingin ng mga awtoridad maaaring nanggaling ito sa Pampanga at ibebenta sa Metro Manila, Calabarzon, at Central Luzon.

“Iyon ang palagi naming binabantayan, kapag mag-ECQ (enhanced community quarantine) tayo biglang nagkahigpitan tayo,” ani Sinas.

“Ngayong medyo lumuwag, tingin namin ito ay mabilisang pagbenta. Baka nangangailangan sila ng pera.”

Ani Sinas, tinagurian nilang new player ang mga napatay na suspek dahil wala sila sa mga watchlist ng pulisya.

Kinikilala pa ang lider ng grupo ng mga suspek.

Dalawang araw bago ito, napatay din sa engkwentro ang 3 drug suspect sa magkahiwalay na operasyon ng PNP-DEG sa Pasay City at Parañaque.

Read More:
drug war
war on drugs
encounter
buy-bust operation
patay
shabu
Tagalog news
Chinese tea bag
TeleRadyo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT