Kanin na dala ng 2 menor de edad sa Davao City natagpuang may shabu

ABS-CBN News

Posted at Apr 13 2021 03:11 AM

Kuha ng Bunawan Police Station

DAVAO CITY—Dalawang menor de edad ang nasa kustodiya ng pulisya matapos sila umano mahulihan ng hinihinalang shabu sa lungsod na ito Lunes ng hapon.

Ayon sa pulisya, nadiskubre ang ilegal na droga matapos magdala ng isang mangkok ng kanin ang dalawa sa Bunawan Police Station para sa isang detainee.

Nang suriin ang dalang pagkain, 3 sachet ng hinihinalang shabu ang nadiskubre umano ng mga awtoridad. 

Nagkakahalaga ng halos P7,000 raw ang kontrabando.

Haharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga menor de edad. — Ulat ni Hernel Tocmo

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.