4 drug suspek arestado sa Maynila, Muntinlupa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4 drug suspek arestado sa Maynila, Muntinlupa

Jekki Pascual,
ABS-CBN News
Published Apr 10, 2021 12:09 PM PHT
|
Updated Apr 10, 2021 12:18 PM PHT

MAYNILA - Arestado ang apat na drug suspek sa magkahiwalay na operasyon sa Maynila at Muntinlupa kamakailan.

Balik kulungan si Gian Calip, 24 anyos, matapos muling arestuhin ng Manila Police District Station 4 nitong Huwebes.

May arrest warrant sa kasong illegal drugs laban sa suspek.

Noong isang taon lumabas ang warrant pero nagtago ang suspek hanggang sa natunton ng intelligence unit ng Sampaloc Police Station.

Miyembro umano ng 'Bahala na Gang' ang suspek na dati na ring may kaso at ngayo'y balik na sa MPD Station 4 detention facility sa Maynila.

Samantala sa Muntinlupa, huli ang tatlong lalaki sa buy-bust operation sa Barangay Bayanan nitong Biyernes.

Nakuha sa kanila ang ilang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit P13,000.

Nakakulong na sila at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.