PatrolPH

Lalaki patay sa buy-bust sa Bulacan matapos umano manlaban

ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2021 06:35 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Nauwi sa engkwentro ang buy-bust operation laban sa lalaking nagtutulak umano ng shabu sa bayan ng Marilao, Bulacan noong Martes.

Sa ulat ng Bulacan Police Provincial Office, napatay ang target ng operasyon na si Dominador Donia alyas Junior.

Ayon sa pulis, nakipagkita ang pulis sa kaniya sa lugar nila sa Brgy. Ibayo bandang hatinggabi.

Nagkaputukan matapos ang transaksyon nang mamaril umano ang suspek sa mga aarestong pulis.

Narekober sa crime scene ang isang caliber .38 na baril at 6 na sachet ng hinihinalang shabu.

Noong Semana Santa lang napatay din sa engkwentro sa Marilao ang isang lalaking wanted para sa drug case.

Dead on the spot sa Brgy. Abangan Norte si Jinggoy San Luis na, ayon sa pulis, ay nagpaputok sa mga aaresto sa kaniya madaling-araw ng Huwebes Santo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.