Occupancy ng ICUs sa Metro Manila nasa critical level na: OCTA | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Occupancy ng ICUs sa Metro Manila nasa critical level na: OCTA

ABS-CBN News
Published Mar 25, 2021 03:18 PM PHT
|
Updated Mar 25, 2021 07:03 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) – Umabot na sa critical level ang occupancy rate ng mga intensive care unit (ICU) ng mga ospital sa Metro Manila, sabi ngayong Huwebes ng isang grupo na nagsasagawa ng mga pag-aaral sa COVID-19 data sa bansa.

Ayon sa OCTA Research Group, 70 porsiyentong puno na ang ICUs para sa mga pasyente ng COVID-19 habang patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso sa capital region.

Base sa tala ng grupo noong Miyerkoles, tumaas nang 61 porsiyento ang hospital bed occupancy ng mga pasyenteng may COVID-19.

Ayon sa grupo, bumaba ang reproduction number ng virus sa Metro Manila pero masyado pang maaga para sabihing umpisa na ito ng inaasahang pagbaba ng mga kaso dahil sa "NCR Plus Bubble" o mas mahigpit na general community quarantine sa National Capital Region (NCR) at 4 na karatig-lalawigan.

ADVERTISEMENT
Nauna nang sinabi ng grupo na maaaring kulang ang 2 linggong "NCR Plus Bubble" para mapigilan ang pagsipa ng COVID-19 cases.

Barangay Fort Bonifacio sa Taguig ang nangungunang may pinakamataas na kaso ng bagong COVID-19, na may 342 pasyente, base sa pag-aaral ng OCTA.

Nasa "critical" na rin ang capacity ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa Tala, Caloocan, na isa sa mga COVID-19 referral hospitals.

Sa panayam ng TeleRadyo, sinabi ng medical center chief na si Dr. Fritz Famaran na may 350 COVID-19 patients ang naka-admit ngayon sa kanilang pasilidad.

Nagkukulang na rin daw sila sa health workers kaya magpapadala na ang Department of Health (DOH) ng 150 dagdag na tauhan.

"Mayroon na pong order to hire, 'yong contract service... Marami na pong ipapasok sa ospital namin," ani Famaran.

Nagpasaklolo na rin ang Philippine General Hospital sa Maynila at Lung Center of the Philippines sa Quezon City dahil sa kakulangan ng health workers sa gitna ng pagsirit ng mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Jonas del Rosario, PGH spokesperson, malaking tulong kung madadagdagan sila nang 30 hanggang 40 doktor at nurse.

Pagod na aniya ang mga health worker ng PGH, lalo't dumarami pa ang mga pasyente, na ngayo'y umaabot na sa halos 200.

Naging COVID-19 wards at ICU na rin ang emergency room ng ospital dahil sa dami ng mga pasyenteng naghihintay.

Nakiusap si Del Rosario sa ibang ospital na hangga't maaari ay huwag munang mag-refer sa PGH.

Ayon kay Del Rosario, kahit maraming bakanteng kuwarto, balewala ito kung wala namang doktor at nurse na mag-aalaga sa mga pasyente.

"Nagkakaproblema kami dahil minsan may kakulangan sa aming mga frontliner. 'Pag nag-open ng rooms, kailagan talagang lalagyan ng tamang tao, bilang. So doon po ang nakikita naming limitation," ani Del Rosario.

"Minsan may health workers kami nagkakasakit o naka-quarantine dahil na-expose sila," aniya.

Dagdag na nurse din ang hiling ng Lung Center.

Ayon kay Lung Center Spokesperson Dr. Norberto Francisco, 10 araw nang puno ang mga kamang inilaan nila sa COVID-19 patients kaya nagtayo sila ng mga mobile hospital.

Sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center, 36 sa 90 COVID-19 beds ay okupado ng mga nagkasakit na health workers, sabi ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro.

"Nababawasan ang medical frontliners na nasa COVID response... ang nagkukulang, hindi lang ang kama na kailangan kundi pati ang personnel," aniya.

Nauna nang sinabi ng DOH na pinag-aaralan na nila kung paano masosolusyonan ang punuan na ospital kasabay ng kakulangan ng health workers.

Bagaman nangyari na iyon noong nakaraang taon, ipinaliwanag ni Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire na magkaiba ang dami ng pangangailangan noon sa ngayon.

Simula nang mangailangan ng dagdag na health workers dahil sa pandemya, nasa 7,000 na ang na-hire ng DOH.

Handa rin daw silang tulungan ang mga pribadong ospital na nakararanas na rin ng kakulangan sa tauhan.

"For the private sector, if there is really that need, they have to coordinate with us so that we'll find funds so that we can assist them as well, just like we did during the July and August increase," ani Vergeire.

Pero tingin ng Alliance of Health Workers, baka magdulot lang ng problema sa kalaunan ang paghiram ng health worker sa ibang lugar at pag-deploy sa kanila sa mga lugar na mataas ang pangangailangan.

"What if 'yong mga nilipat nila o mga hiniram na health worker ay mahawa. Paano na 'yong mga naiwanan nilang mga puwesto, hospitals, sino na ang mag-aalaga ng kanilang mga pasyente doon if ever na tumaas din ang kanilang cases ng COVID sa kanilang mga areas?" ani Alliance of Health Workers National President Robert Mendoza.

Nitong Huwebes, nakapagtala ang Pilipinas ng 8,773 dagdag na kaso ng COVID-19, ang pinakamataas na single-day tally mula nang mag-umpisa ang pandemya.

Dahil dito, umakyat sa 693,048 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso, kung saan 99,891 ang active cases.

– May ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Covid-19 surge
coronavirus disease
Covid-19
hospital
ICU
intensive care unit
ICU occupancy
OCTA Research Group
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT