Pag-clone sa e-sabong website ibinibintang sa nawawalang sabungero | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pag-clone sa e-sabong website ibinibintang sa nawawalang sabungero

Pag-clone sa e-sabong website ibinibintang sa nawawalang sabungero

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA—Umalma ang isa sa mga kaanak ng mga nawawalang ahente ng sabungan sa mabagal na pagresponde ng mga pulis sa tawag nila nang kuhanin ng mga armadong lalaki ang kanilang kaanak sa Laguna.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, ikinuwento ng kapatid ng nawawalang si Ricardo Lasco Jr., na umaga noong Agosto 30, 2021 ang pagpasok sa bahay ng kapatid sa Barangay San Lucas, San Pablo City sa Laguna ng mga armadong lalaki.

Ayon sa live-in partner ni Lasco Jr., sinabi lang ng mga armadong lalaki na nagpakilalang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) na may warrant of arrest sila laban dito subalit hindi aniya ito ipinakita sa kanila at sinabi lang na may kasong large scale estafa si Lasco Jr.

Kinumpiska aniya ng mga ito ang lahat ng kanilang cellphone hanggang sa posasan na ang mister at dalhin na ito palabas ng kanilang bahay.

ADVERTISEMENT

Ayon kay San Pablo City Chief of Police Lt. Col. Gary Alegre, sa pagtatanong nila sa NBI, pinabulaanan nito na mayroong lehitimong operasyon ang kanilang mga tauhan sa lugar noong araw na iyon.

Sabi ng kapatid ni Lasco, ganap na alas 10:43 ng umaga nang makatawag sila sa San Pablo City Police Station pero isang oras pa matapos nito ay saka lang sila nirespondehan ng mga pulis kahit pa nasa 3 minuto lang ang layo ng police station sa kanilang bahay.

“Six minutes lang ang pulis sa bahay. After 1 hour pa sila dumating . . . Lahat ng drop calls dito recorded. Ang telephone number nito is 09278377454. This is the police station of San Pablo. We called 10:43 outgoing may nakausap 3 minutes and 51 seconds. Sinabi nu’ng secretary ng kapatid ko may reported abduction dito then tumawag ulit kasi walang nagreresponde. Ang lapit lang ng police station dito ha, imagine? One hour pa po bago dumating ang police.” salaysay ng kapatid ni Lasco.

Pero paliwanag ni Alegre, 12:05 na umano ng tanghali natanggap ng kanilang radio operator ang tawag.

“Sir, the report we recieved was about 12:05(p.m.),” ani Alegre.

Samantala, sabi ni Alegre, may natukoy na silang 2 suspek sa krimen na nakilalang sina Mark Anthony Gonzales at Alec Decena na nasampahan na rin ng reklamong kidnapping.

Ayon kay Alegre, nakilala si Gonzalez ng isa sa mga miyembro ng pamilya ng biktima na isang 7-taong gulang na kasamang pumasok sa kanilang bahay at dumukot sa biktima.

Pero mismong ang live-in partner ng biktima ang nagsabing kumbinsido sila na nalinis na ng mga suspek ang kanilang pangalan base sa pagharap nila sa pagdinig sa kaso.

“Lahat po kami hindi namin na-identify . . . ’yung bata lang. Pero parang ang ano po namin, naririnig niya sa amin which is na-clear naman po nila ’yung name nila, na-feel naman po namin na wala na parang kambal plaka nga po ’yung sa mga plate number," kuwento ng live-in partner ni Lasco.

Hinihintay na lang aniya ang resolusyon ng piskalya sa kaso laban sa mga ito.

CLONING POSIBLENG RASON NG PAGDUKOT SA BIKTIMA?

Sa pagtatanong ng mga mambabatas sa kaanak ng mga biktima, lumalabas na posibleng cloning ang isa sa mga rason kung bakit dinukot ang biktimang si Lasco.

"Ikaw, asawa ka, anong duda mo na atraso niya sa opisina? Mayroon ba siyang nadispalkong pera?” tanong ni Dela Rosa sa live-in partner ni Lasco.

Sabi ng live-in partner ni Lasco, pinagbintahan ang kanyang mister na sangkot sa “cloning” o panggagaya ng website ng e-sabong.

Paliwanag ng kapatid ni Lasco, nalaman na lang nila na inirereklamo ito ng cloning.

" ’Yun kapatid ko, we found out was charged daw po of cloning . . . Ginagaya niya raw po ’yung system. Kinabukasan maraming lumabas na report. Unang-una may may video si Atong Ang . . . Nasa YouTube ’yun, ’yung video niya sinasabing kayong mga master agen, kayong mga nagti-teyope, nagko-cloning eh pina-imbestigahan ko na kayo sa CIDG, sa NBI . . . Ang tanong ko nga po sa PNP sa CIDG, NBI . . . Totoo ho ba ’yun sinasabi in Mr. Atong Ang?” sabi ng kapatid ng nawawalang si Lasco.

Pero sabi ni Police Maj. Gen. Albert Ferro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), hindi nila trabaho ang pag-iimbestiga sa cloning.

“If we are talking about cloning . . . It’s the job of Anti-Cybercrime Group, it’s not CIDG. Wala po kami at hindi naman po kami puwedeng utusan ni Mr. Atong Ang,” sagot ni Ferro.

Sabi naman ni Police Col. Rogarth Campo na dating regional chief ng CIDG-NCR noong isang taon, mayroong pormal na reklamo sa kanilang tanggapan ang Lucky 8.

"May formal request naman po na ipinadala ang Lucky 8 noon sa amin. Even sa Cybercrime may ipinadala din po. Talagang there really exists. May pagkakaiba ’yung legit website and ’yung fake website," sabi ni Campo.

Ani Campo, may mga nakasuhan na aniya rito at may mga naipakulong din.

Ipinapanood din sa pagdinig ng Senado ang YouTube video ni Ang na para sa kaanak ng mga biktima ay mistulang nagbabanta sa mga pit agent ng e-sabong.

Nilinaw naman ni Atty. Angelo Santos, presidente ng Lucky 8 Star Quest Inc., na hindi pagbabanta ang mga naging pahayag ni Ang sa naturang video.

“With respect sa YouTube video ni Mr. Ang, actually it’s not a threat. Specially do’n sa sinabi niyang na-neo-niyope, If you would listen po sa video niya . . . he mentioned na ipakukulong na po ’yung mga tao. Dahil during that time maraming naglipanang illegal websites," sabi ni Santos.

Kinumpirma Rin ni Santos na lumapit sila sa NBI para magpatulong sa kaso laban sa umano’y illegal na paggamit ng kanilang website.

"Mr. Chair, if I may confirmed, it was with the Special Action Unit with Atty. Dongallo and there is really an actual case performed by the NBI. It was in Tarlac and there is an actual complaint filed against these people who stole videos and solicit funds using illegal websites," sabi ni Santos.

Sa Marso 3, ipagpapatuloy ng Senado ang pagdinig sa isyu ng anomalya sa e-sabong kung saan inaasahang dadalo ang mga manager ng mga cockpit arena pero hindi nabanggit sa hearing na kasama sa mga imbitadong resource persons si Ang.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.