Kaanak ng mga nawawalang sabungero, umaapelang mahanap ang mahal sa buhay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kaanak ng mga nawawalang sabungero, umaapelang mahanap ang mahal sa buhay

Kaanak ng mga nawawalang sabungero, umaapelang mahanap ang mahal sa buhay

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 26, 2022 07:00 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Patuloy ang panawagan sa mga kinauukulan ang nagkakaisang tinig ng mga kamag-anak ng mga nawawalang sabungero.

Sa pagdalo nila sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs inilabas ang kanilang saloobin tungkol sa nangyari.

Ang kinakasama ng nawawalang si Ferdinand Dizon na si Diane Loyola, nnaniniwalang marami ang nakakaalam sa tunay na nangyari kung bakit may mga nawawalang sabungero subalit ayaw namang magsalita ng mga ito dahil sa takot.

"Sobrang hirap po sir, kasi hindi namin alam anong nangyayari sa mga tauhan. Sana mabigyan po ito ng aral. Ang gusto po sana namin, matigil na yung ganitong scenario eh. Marami pong takot magsalita. Meron kaming nakakausap na tauhan sa loob ng sabungan…. Takot na po sila, ayaw nilang humarap, ayaw nilang magpa-media baka sila po ang balikan.” kuwento ni Loyola

ADVERTISEMENT

Tanong ni Senate President Tito Sotto: "Sino ang pinakamatinding apektado dito kung mayroon mang naging problema sa operasyon ng sabong na nauwi sa pagkawala ng mga sabungero?"

Ayon kay Committee Chairman Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, masyadong malupit kung sino mang grupo ang nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero dahil idinamay pa ang mga inosente.

"Who is greatly affected, sino apektadong matindi rito para gumawa ng ganyan? I hope this reaches the president, siguro ‘pag presidente na nagsalita… Heads will roll," ani Sotto.

"Grabe ka-heartless, careless itong grupo na ito na gumawa ng krimen damay lahat na inosente, driver. Kung nakikinig kayo, kung sino man kayo… Pati bata patayin ninyo? Ilibing ninyo?” ani Dela Rosa.

Ang ina ng magkapatid na Nomer at Jeffrey Depano, sinabing wala namang alam sa sabong ang anak na si Jeffrey.

Isinama lang anya ito ng kuya nitong si Nomer dahil kulang umano sa tao, subalit hindi anya ito marunong magsabong.

"Hindi naman si Nomer nagpaalam sakin na... 'Mama kasama ko si Jeff,' hindi po. Nung naghatid lang ako ng gamot para sa manugang ko saka ko pa lang nalaman. Sana kung sino man humahawak sa kanila, bigyan naman nila ng chance,” apela ng ina ng magkapatid na Nomer at Jeffrey Depano

Aminado ang ina ng nawawalang si Glen Germar na si Marilyn, na hindi sila agad lumapit sa media dahil sa takot na balikan din sila ng mga taong nasa likod nito.

“Napakasakit po sa isang magulang na nariring ganon ang ginawa sa anak ko. Sana po kung sino man may hawak sa anak namin, ibalik nyo na, sobrang hirap po pinagdadanan namin.” umiiyak na kuwento ni Marilyn Germar

Ang presidente ng sabungan kung saan sinasabing nawala ang mga sabungero sa Laguna na si Atty. Angelo Niño Santos, sinabing wala namang iniulat sa kanya na may mga dinukot na sabungero.

Sabi ni PNP Chief Dionardo Carlos, bagamat walang kuha ng CCTV sa mga lugar kung saan sinasabing nawala ang mga sabungero, may mga logbook aniya at records ng mga pangalan ng guwardiya na naka-duty noon at maaaring tanungin.

"There are six cases pero tatlo yung lugar...Laguna, Manila Arena at Lipa…so walang CCTV, pero meron silang logbook. May records ng mga pangalan ng mga guwardiya na naka-duty, including the logbook.

Sabi ni Senator Panfilo “Ping” Lacson, hamon ito sa mga imbestigador sa kaso at mismong kay Chief PNP na agad resolbahin ang pagkawala ng mga sabungero.

"Challenge talaga yan, if you cannot solve it, you are sloppier,” hamon ni Lacson kay Carlos.

Nangako naman si Carlos na gagawa sila ng paraaan para mapanagot ang mga nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero .

"Rest assured that hindi po namin ito bibitawan. If far from perfect, definitely we see the pattern, we see the commonalities…we will find ways that the perpetrators of this crime…we will make them answer before the law, sir,” sabi ni Carlos.

Sa susunod na Miyerkoles, March 3, 2022, ay magsasagawa ng panibagong pagdinig ang Senado patungkol dito kung saan inatasan ng komite ang PNP-CIDG na dalhin ang mga testigo nito kasama na ang mga nakatakas na kasamahan ng mga nawawalang sabungero.

Ipinatitiyak din ni Dela Rosa sa PNP ang kaligtasan ng mga testigo nito.

"Dalhin ’nyo dito ha, idaan ninyo at protektahan ninyo kahit wala pang witness protection program. Next week, siguro next hearing dalhin nyo sila yung mga nakatakbo hindi na-hold,” sabi ni Dela Rosa.

Pinapadalo din sa susunod na hearing ang mga manager ng mga cockpit arena at mga security guard na nakaduty noong nawala ang mga pinaghananap na mga sabungero.

- May mga ulat ni Willard Cheng, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.