Pamilya ng mga nawawalang sabungero nag-prayer vigil sa CHR | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pamilya ng mga nawawalang sabungero nag-prayer vigil sa CHR

Pamilya ng mga nawawalang sabungero nag-prayer vigil sa CHR

Raya Capulong,

ABS-CBN News

Clipboard

Emosyonal ang mga pamilya ng mga nawawalang sabungero sa isinagawa nilang prayer vigil sa labas ng tanggapan ng Commission on Human Rights sa Quezon City ngayong ika-15 ng Pebrero, 2022. Raya Capulong, ABS-CBN News

MAYNILA — Emosyonal ang mga pamilya ng mga nawawalang sabungero sa isinagawa nilang prayer vigil sa labas ng tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) sa Quezon City ngayong Martes.

Sa dasal na lang kumakapit ang mga pamilya na ilang buwan nang naghahanap at umaasang makikita pa ang mga nawawalang kaanak.

Nagsindi sila ng kandila, nagrosaryo at nagdasal na sana ay makita at makabalik na ang kanilang mga kaanak.

Kasabay ng pagbabahagi ng kanilang mga saloobin, labis din ang pagtangis ng mga kamag-anak.

ADVERTISEMENT

Hinimatay pa si Aling Carmen Malaca dahil sa paghihinagpis sa pagkawala ng anak sa isang sabungan sa Batangas.

Hati rin ang reaksyon ng mga pamilya sa itinatakbo ng imbestigasyon ng mga awtoridad.

Nanawagan ang mga pamilya kay Pangulo Rodrigo Duterte na tulungan silang mahanap ang kanilang mga kaanak.

Giit ng mga pamilya, hindi sila mapapagod at patuloy silang lalapit sa iba't-ibang ahensya ng gobyerno upang magpatulong na mahanap ang mga nawawalang sabungero.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.