Pagkawala ng 5 sabungero sa Batangas iniimbestigahan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagkawala ng 5 sabungero sa Batangas iniimbestigahan

ABS-CBN News
Published Feb 23, 2022 01:38 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagkawala ng 5 sabungero matapos pumunta sa isang sabungan sa Batangas halos 2 buwan ang nakakalipas.

Ayon kay Fe Depano, hindi na nila makontak ang kaniyang mga anak na sina Nomer Depano, 37 anyos, at Jeffrey Depano, 31 anyos.

May 3 kasama rin ang magkapatid, na lahat ay taga Hagonoy, Bulacan.

Kuwento ni Fe, pumunta ang mga biktima sa isang sabungan sa Lipa noong Enero 5 ng hapon. Hindi na umano sila makontak ng pamilya Enero 7 ng gabi.

"Sana bigyan din naman nila ng pagkakataon ang mga anak ko. Kasi ang hirap e. Hindi namin alam kung hanggang ngayon nasa kanilang kanlungan ang mga kumuha sa kanila," aniya sa panayam sa TeleRadyo Miyerkoles.

"Sana maawa sila sa amin. Hindi kami makatulog nang maayos. Siyempre mahal ko sila. Mahirap [kasi] hindi namin alam kung nasaan sila hanggang ngayon. Sana buhay pa sila."

Dumulog na sa National Bureau of Investigation si Fe para imbestigahan ang insidente.

Noong Pebrero 15, nagsagawa ng prayer vigil sa labas ng tanggapan ng Commission on Human Rights sa Quezon City ang mga pamilya ng mga nawawalang sabungero.

Sa dasal na lang kumakapit ang mga pamilya na ilang buwan nang naghahanap at umaasang makikita pa ang mga nawawalang kaanak.

Nanawagan ang mga pamilya kay Pangulo Rodrigo Duterte na tulungan silang mahanap ang kanilang mga kaanak.