Pacquiao: Sa hirap ng buhay namin, malamang namundok na ako | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pacquiao: Sa hirap ng buhay namin, malamang namundok na ako

Robert Mano,
ABS-CBN News
Published Feb 15, 2022 05:48 PM PHT

Humarap nitong Martes si PROMDI standard bearer Senator Manny Pacquiao sa isang public interview na pinangunahan ng Citizen’s Alliance for Just Peace (CAJP) upang ilatag ang peace agenda ng kanyang magiging administrasyon kung sakaling palarin sa Halalan 2022.

Sa kanyang opening statement, ikinuwento ni Pacquiao ang mga problema na kanyang nakita lalo na sa isyu ng kapayapaan.

Kuwento niya, habang lumalaki siya sa Mindanao, napansin niya ang hindi pagkakapantay-pantay maging sa relihiyon.

"Sinasabi ng karamihan ng ating mga leader na pantay-pantay ang ating mga batas, pero sa totoo hanggang salita lang. Magbigay ako example kung meron tayong Christian market, dapat meron tayong halal market. 'Yung sementeryo meron po tayong Christian cemetery pero ang wala po Muslim cemetery dapat meron. Pantay-pantay," aniya.

Sakaling maging susunod na pangulo ng bansa, sinabi ni Pacquiao na bubuhayin niya ang usaping pangkapayaan sa mga rebelde.

"Buhayin po nating usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng komunista. Lahat yan may solusyon basta pag-usapan. Ano 'yung problema nila. Wala naman silang hinihingi kapalit kundi development lang at sustainable livelihood, may makain sila na hindi sila magutom. Ipagpatuloy natin usaping pangkapayaan dahil hindi maganda sa imahe ng bansa kapwa Pilipino nagpapatayan po tayo. Kailangan 'pag usapan ano yung problema nila? Ano yung mga hinaing nila?" aniya.

Naniniwala si Pacquiao na kahirapan at kawalan ng oportunidad ang sanhi ng pagrerebelde.

Inamin din ni Pacquiao na malamang kung hindi siya naging boksingero at kumita para sa pamilya ay posible na namundok din sya at sumama sa mga rebelde.

Sa lugar anya nila na bulubundukin, swerte na kung sa loob ng isang linggo ay walang maririnig na putukan.

"Kung hindi siguro ako naging Manny Pacquiao, sa hirap ng buhay namin ay hindi ko po masasabi malamang humawak din ako ng armas at namundok ako. 'Yun ang tingin ko, yung kahirapan namin noon at hindi ako naging boksingero ay malaki po ang bundok at humawak po ako ng armas," ani Pacquiao.

Pagdidiin pa niya, bukod sa mga kasunduan mas mahalaga na maipatupad ito at hindi hanggang papel lamang ang kasunduan.

Paninita pa niya, ilang dekada na ang usapin at negosasyon ng gobyerno pero wala pa ring nangyayari.

Kinontra din niya ang mga nagsasabing walang mabuting idudulot ang peacetalks

"Bakit, ano bang gusto natin patayan? Magpapatayan ba tayo? Pilipino kapwa Pilipino? Ganun pa ang gagawin natin? Ang problema, 'pag-usapan... Yes nga may pag-uusapan, ginagawa ba ng ating gobyerno? 'Yung kasunduan ba yung sinusunod lalo na development. Nagkaroon ba ng hanapbuhay ang bawat pamilya? Umunlad ba ang kanilang pamumuhay? Kasi kung umunlad pamumuhay nila at nagkaroon ng development I dont think, 100 percent na hahawak sila ang armas para mamundok," sabi ni Pacquiao.

Dapat din anyang ihinto ang red-tagging.

"Sana habang tinutuloy peace talks ay itigil natin mga na red tag na inosente na wala namang pong kasalanan," panawagan niya.

Dapat din anyang bilisan ang pagdinig sa mga kaso ng tinatawag na political prisoners at dapat ng palayain ang mga wala namang kasalan at huwag itengga sa kulungan.

Sa kanyang magiging administrasyon, idiniin ni Pacquiao na karapatang pantao ang kanyang uunahin.

Bukas din ang mambabatas sa pag-amyenda sa Anti Terrorism Law kung talaga aniyang nagagamit ito sa pag-abuso sa karapatang pantao.

Isa pa anya sa kanyang unang aayusin kung sakaling maging presidente ay ang judicial system kung saan biktima anya siya ng favoritism bagamat tumanggi muna siyang idetalye ito.