Paano nagamit ng hacker ang credit card ng senador para makabili ng alak? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano nagamit ng hacker ang credit card ng senador para makabili ng alak?

Paano nagamit ng hacker ang credit card ng senador para makabili ng alak?

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 08, 2021 02:26 AM PHT

Clipboard

MAYNILA - Naghain na ng incident report sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes si Senador Sherwin Gatchalian para hingin na rin ang tulong ng ahensiya na maimbestigahan ang pangha-hack sa kaniyang credit card.

Unang iniulat na pagkain ang ipina-deliver gamit ang credit card ng senador.

Pero lumabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad na apat na transaksiyon ang ginawa at pina-deliver ang alak sa dalawang magkakahiwalay na lugar.

"Pinalitan niya 'yung cellphone number, nakuha nya yung OTP (one-time password). Nu'ng nakuha niya 'yung OTP um-order na po siya ng isang million worth of items. Pero natuklasan ko ho na hindi pala matakaw 'tong tao na 'to kundi manginginom, dahil P1 milyon na alcohol ang in-order niya," ani Gatchalian sa tanggapan ng NBI.

ADVERTISEMENT

Ang OTP ay natatanggap ng isang consumer bago tuluyang ikasa ang isang online transaction. Nagsisilbi itong dagdag-seguridad sa mga online payment channel.

Isa sa natukoy na delivery address ay sa Makati, at hindi eksaktong address ng ibinigay ang kinuha kung hindi pick-up lang sa isa sa kalsada sa Makati.

Nabanggit din ng NBI na simula ng pandemya, marami na ang lumipat sa online transaction kaya tumaas na rin ang mga ulat sa kanila na online fraud.

"Kasi ang sindikato nag-iisip 'yan, ito ang sitwasyon ngayon. Ano ang mode na puwede natin apply para tayo makabiktima? Style din yan ng organized na sindikato," ani NBI Deputy Director Vicente De Guzman III.

Giit pa ni Gatchalian na kulang ang ginagawa ng mga bangko para sa proteksiyon ng mga credit card holder dahil nalulusutan sila ng mga hacker.

ADVERTISEMENT

Mungkahi naman ng NBI na laging palakasin ng mga bangko ang kanilang security protocols.

"'Yung mga available technological enhancement nila puwede nilang i- roll out 'yun or paigtingin or pahabain nila 'yung proseso. For example, magpapalit ka telephone number dapat i-secondary check 'yun i-verify nila doon sa old number kung talagang deactivated na," ani De Guzman.

Sabi rin ng NBI na hindi kailangan ng mga kawatan ng kasabwat o "inside job" dahil mas delikado ito sa kanila.

Ayon kay Gatchalian, wala siyang balak na bayaran ang mga in-order na alak.

Kaugnay nito, nakatakda ring maghain ng resolusyon ang mambabatas sa Senado para maimbestigahan kung ano ang ginagawa ng mga bangko at Bangko Sentral ng Pilipinas para sa proteksiyon ng mga credit card holder.

-- May ulat nina Robert Mano at Johnson Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.