Patrol ng Pilipino: Ham at keso de bola, hindi pa rin mawawala sa Pinoy Noche Buena para sa ilang mamimili | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Patrol ng Pilipino: Ham at keso de bola, hindi pa rin mawawala sa Pinoy Noche Buena para sa ilang mamimili

Patrol ng Pilipino: Ham at keso de bola, hindi pa rin mawawala sa Pinoy Noche Buena para sa ilang mamimili

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Sa paglapit ng Pasko, naghahabol na rin ang mga namimili ng panghanda sa Noche Buena sa mga palengke at pamilihan tulad na lang sa Quiapo — na matatagpuan ang sikat na Excellente Ham.

Mabibili ito ngayon ng ₱1,640 kada kilo o ₱410 kada 1/4 kilo.

Ayon sa ilang namimili roon, kabilang ang ham at keso de bola sa tradisyonal na pagkaing ihahain pa rin nila sa pamaskong salo-salo.

Kahit mahal ang presyo, anila, hindi pwedeng mawala ang mga iyon sa hapag ng pamilyang Pilipino dahil minsan lang ito sa isang taon.

ADVERTISEMENT

Ayon sa datos ng ABS-CBN News Investigative and Research Group, kahit bahagyang bumaba ang presyo ng mga rekado sa Noche Buena kumpara sa nakaraang isang taon, nagmahal na rin sila sa nakalipas na 9 na taon.

– Ulat ni Doris Bigornia, Patrol ng Pilipino

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.