Presyo ng Noche Buena products 'di dapat tumaas hanggang matapos ang 2023: DTI | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng Noche Buena products 'di dapat tumaas hanggang matapos ang 2023: DTI

ABS-CBN News
Published Dec 10, 2023 04:26 PM PHT
|
Updated Dec 10, 2023 06:27 PM PHT

MAYNILA -- Iginiit ngayong Linggo ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi dapat tumaas ang presyo ng mga Noche Buena items hanggang matapos ang holiday season.

Ito'y matapos tiyakin ng manufacturers sa ahensiya na nakapako ang presyo ng Noche Buena products hanggang matapos ang 2023, sabi ni Trade Assistant Secretary Amanda Nograles.

"Sa kanila po kasi mismo nanggaling mismo 'yong presyo at ang sinasabi nila dito sa price guide, hanggang December 2023, hindi sila magtataas ng presyo," sabi ni Nograles.

Lumabas kasi sa pag-iikot ng ABS-CBN News sa ilang supermarket na mas mataas ang presyo ng ilang produkto tulad ng jamon de bola, queso de bola, mayonnaise, at mixed fruits sa presyo na itinakda ng DTI sa kanilang price guide.

Pero nilinaw ni Nograles na ang price guide ay gabay lamang sa mga konsumer at walang parusang maipapataw sa mga hindi makakasunod nito.

Pero dahil batay ang price guide sa sinabing presyo ng mga manufacturer, kakausapin sila ng DTI kung bakit nabebenta ang mga produkto nang mas mataas sa guide.

"Puwede niyo po iyang i-report sa amin sa DTI para makausap namin kung sino 'yong nagbebenta above the price guide kasi sa manufacturers naman po nanggaling 'yong presyo," ani Nograles.

Ayon din sa Philippine Amalgamated Supermarkets Association, ibinabase lang ng retailers ang presyo ng mga produkto sa halagang ipinapasa sa kanila ng mga manufacturer.

— Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBNN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
konsumer
price patrol
Noche Buena products
Noche Buena
price guide
Department of Trade and Industry
supermarkets
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT