Ilang personalidad naghain ng COC sa Day 1 ng filing para sa halalan sa 2022 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang personalidad naghain ng COC sa Day 1 ng filing para sa halalan sa 2022

Ilang personalidad naghain ng COC sa Day 1 ng filing para sa halalan sa 2022

ABS-CBN News

Clipboard

Kabilang sa mga personalidad na naghain ng kanilang kandidatura ang mga aktor na sina Ejay Falcon at Lou Veloso. ABS-CBN News.
Kabilang sa mga personalidad na naghain ng kanilang kandidatura ang mga aktor na sina Ejay Falcon at Lou Veloso. ABS-CBN News.

MAYNILA - May ilang mga celebrity at sports personality ang naghain ng kanilang kandidatura sa unang araw ng certificate of candidacy (COC) filing para sa halalan sa 2022.

Kasama si mga naghain ng COC ang aktor na si Ejay Falcon, na tatakbong vice governor ng Oriental Mindoro.

Ka-tandem niya si incumbent governor Humerlito "Bonz" Dolor na reelectionist.

Makakalaban ni Falcon si Vice Governor Jojo Perez, habang si Dolor naman ay makakatunggali si Rep. Doy Leachon.

ADVERTISEMENT

"Bilang isang kabataang Mindoreno ay nakaka-relate po ako sa iba’t ibang kabataan dito sa Oriental Mindoro na nangangarap, kaya noong nabigyan ako ng pagkakataon at nagbukas sa atin ang maraming oportunidad ay hindi ko po 'yun sinayang. 'Yun din po ang gusto ko matutunan ng mga kabataan ngayon," ani Falcon.

Nag-file din ng kanyang kandidatura bilang second term sa pagka-konsehal Manila 6th district ang veteran actor na si Lou Veloso. Tatakbo siya sa tiket ng Aksyon Demokratiko at Asenso Manilenyo.

Sa Pampanga naghain na rin ng COC ang basketbolista at coach na si si Renato "Ato" Agustin, bilang konsehal Ng San Fernando.

May pasubali naman ang analyst na si Prof. Jean Franco sa pagpasok ng mga bituin sa halalan.

"First time actors and actresses will of course have potentially an edge in a campaign, which will be largely held on social media. They are more comfortable with the medium and are telegenic," ani Franco.

Pero paalala niya na hindi sapat ang ganda ng mukha at lumang tugtugin na rin ang linyang "gusto kong makatulong."

"However, because of the perception that they are nothing more than pretty faces, then they have to go beyond the usual 'Gusto kong makatulong' explanations," ani Franco.

Ayon din kay Franco, mahirap ding makipagtapatan sa mga nakaupong opisyal na may record na ng magandang serbisyo.

Sa ilalim ng Fair Election Act, kailangang bumitaw sa kanilang trabaho sa media at showbiz ang lahat ng kandidatong bituin at personalidad sa panahon ng kampanya para maging patas ang laban sa kanilang mga katunggali.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.