PatrolPH

'Ang Probinsyano' teaser nina Coco Martin at Julia Montes, patok sa netizens

ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2021 12:35 PM | Updated as of Aug 20 2021 03:20 PM

MAYNILA -- Pumalo na sa higit 2 milyon ang nakapanood sa pinakabagong teaser ng sikat na serye ng ABS-CBN na "FPJ's Ang Probinsyano" na inilabas nito lamang Huwebes ng Dreamscape Entertainment.

Sa teaser, ipinakita ang muling pagsasama nang napapabalitang magkasintahan na sina Coco Martin at Julia Montes para sa long-running serye ng Kapamilya network.

Sa unang pagkakataon, ipinakilala na si Mara, ang inaabangang karakter na gagampanan ni Montes sa serye. 

Sa ngayon ay pumalo na sa higit 2.7 milyon ang nakapanood sa teaser na patok sa mga manonood.

Karamihan sa mga komento ay ang pagkasabik na makita ang muling pagtatambal nina Martin at Montes.

Matatandaang unang nagkasama ang dalawa noong 2012 sa seryeng "Walang Hanggang." Huling proyekto sa telebisyon na pinagsamahan ng dalawa ay ang "Wansapanataym's Yamishita's Treasures" noong 2015.
 
Related video:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.