PANOORIN: Julia Montes, 'huling pag-ibig' ni Cardo sa 'Ang Probinsyano' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Julia Montes, 'huling pag-ibig' ni Cardo sa 'Ang Probinsyano'

PANOORIN: Julia Montes, 'huling pag-ibig' ni Cardo sa 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 19, 2021 05:21 PM PHT

Clipboard

MANILA -- Inilabas ng Dreamscape Entertainment nitong Huwebes ang teaser na nagpapakita sa muling pagsasama nina Coco Martin at Julia Montes para sa sikat na serye ng ABS-CBN na "FPJ's Ang Probinsyano."

Sa unang pagkakataon, ipinakilala na si Mara, ang inaabangang karakter na gagampanan ni Montes sa serye.

"Marami nang nangyari. At ngayon parating na ang huling pag-ibig. Julia Montes bilang Mara. Si Cardo totodo sa ika-6 na anibersaryo. Abangan sa FPJ's Ang Probinsyano," ayon sa teaser.

Nito lamang Martes, nagpasalamat si Montes sa lahat ng kanyang mga tagahanga at sumusuporta sa "Ang Probinsyano."

Matatandaang unang nagkasama ang dalawa noong 2012 sa seryeng "Walang Hanggang." Huling proyekto sa telebisyon na pinagsamahan ng dalawa ay ang "Wansapanataym's Yamishita's Treasures" noong 2015.

Related video:

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad