PatrolPH

Bagong 'Magandang Buhay' host, makikilala na sa Lunes

ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2022 03:07 PM

MAYNILA -- Makikilala na sa Lunes ang bagong opisyal na host ng "Magandang Buhay" na makakasama ng mga orihinal na hosts nito na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

Ito ang ibinahagi ng programa sa isang teaser na inilabas nila sa social media ngayong Huwebes.

"REady na ang ating newest and official ku-momshie na kukumpleto sa ating MB momshies! ABANGAN ngayong Lunes, LIVE sa #MagandangBuhay!" ayon ng post.

Matatandaang nito lamang nakaraang buwan, matapos ang halos limang taon ay tuluyan nang nagpaalam si Karla Estrada bilang isa sa mga host ng pang-umagang programa ng ABS-CBN.

Pansamantalang iniwan ni Estrada ang "Magandang Buhay" nang magsimulang mangampanya ito para sa isang party-list na nagwagi nitong nakaraang eleksiyon.

Pansamantalang naging guest co-host ng "Magandang Buhay" si Regine Velasquez na sinundan naman ni Judy Ann Santos.
 

Kaugnay na video:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.