Daga na expert sa paghahanap ng landmine, pumanaw na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Daga na expert sa paghahanap ng landmine, pumanaw na

Daga na expert sa paghahanap ng landmine, pumanaw na

ABS-CBN News

Clipboard

Landmine detection rat Magawa Reuters File Photo
Landmine detection rat Magawa. Cindy Liu, Reuters File Photo

Pumanaw na nitong weekend ang dagang si Magawa, na itinuturing na bayani sa paghuhukay ng mga landmine at pampasabog sa Cambodia.

Si Magawa ang itinuturing pinakamatagumpay na "HeroRAT" na idineploy ng international charity na APOPO, na gumagamit ng mga African giant pouched rats na kilala sa pag-detect ng landmine at tubercolosis.

"Magawa was in good health and spent most of last week playing with his usual enthusiasm, but towards the weekend he started to slow down, napping more and showing less interest in food in his last days," sabi ng grupo sa isang pahayag.

Matapos ang kalbaryong dinanas sa deka-dekadang civil war, ang Cambodia ang isa sa mga bansang may pinakamaraming landmine. Mahigit 1,000 square kilometer ng lupa pa umano ang kontaminado ng landmine sa bansa.

ADVERTISEMENT

Nasa 40,000 katao na ang na-amputate dahil sa mga pagsabog na isa sa pinakamarami per capita.

Sa katunayan, tatlong miyembro ng Cambodia Self-Help Demining group, na naatasang mag-clear ng mga mina ang namatay noong Lunes sa Preah Vihear province na bumo-border sa Thailand.

Dalawa rin ang nasugatan sa insidente, ayon kay Heng Ratana, director-general ng Cambodian Mine Action Centre.

Ayon sa APOPO, nakatulong ang mga ambag ni Magawa sa ligtas na pamumuhay ng mga komunidad sa Cambodia.

"Every discovery he made reduced the risk of injury or death for the people of Cambodia," ayon sa APOPO.

Nakatanggap pa nga ng gold medal si Magawa noong 2020 mula sa Britain's People's Dispensary for Sick Animals sa kaniyang katapangan.

Ipinanganak sa Tanzania si Magawa at lumipat sa Siem Reap sa Cambodia para sa mine clearing. Nag-retiro siya noong Hunyo.

"A hero is laid to rest," anang APOPO.

-- Isinalin mula sa ulat ng Reuters

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.