Ilang brand ng gatas, sardinas, mantika magtataas-presyo: supermarket owners | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang brand ng gatas, sardinas, mantika magtataas-presyo: supermarket owners

ABS-CBN News
Published Jun 07, 2022 01:19 PM PHT
|
Updated Jun 07, 2022 07:56 PM PHT

(UPDATE) May nakaambang dagdag-presyo sa ilang pangunahing produkto ngayong Hunyo, sabi ngayong Martes ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association (Pagasa).

Sa panayam ng Teleradyo, sinabi ni Pagasa President Steven Cua na kabilang sa mga inaasahang magmamahal ang presyo ay ang ilang brand ng sardinas, evaporated milk at mantika.

Gayunman, mas kaunti aniya ang magtataas ng presyo ngayong Hunyo.

Ayon kay Cua, higit 10 manufacturer lang ang nag-abisong magtataas kumpara sa nasa halos 30 manufacturer na nagpatupad ng dagdag-presyo noong Mayo.

Inaasahan naman na sa mga susunod pang mga buwan ay magkakaroon pa rin ng mga price adjustment sa iba-ibang produkto bilang epekto ng giyera sa Russia at Ukraine.

"Because of supply chain disruption, ibig sabihin, na-disrupt ang regular supply ng delivery ng raw materials... dahil nga tinamaan ang shipping lines and everything because of this conflict in Europe," paliwanag ni Cua.

"I guess we can expect that prices will continue to be adjusted. I don't want to say increase... akyat-baba," dagdag niya.

Samantala, sinabi rin ngayong Martes ng Department of Trade and Industry (DTI) na pinag-aaralan nito ang 2 hanggang 10 porsiyentong taas-presyo sa ilang pangunahing bilihin.

Tatlong manufacturers umano ng tinapay, detergent bars, at canned sardines ang humihiling ng dagdag-presyo sa DTI.

Kung maaprubahan, maglalaro sa P0.25 hanggang P1.50 ang patong sa ilang brand ng mga produktong ito.

Ang hiling na taas-presyo at bunsod din ng Russia-Ukraine conflict, ani Trade Undersecretary Ruth Castelo.

"Nakikita naman natin meron namang justifications but DTI is wating for month-on-month or week-on-week na presyo ng raw matertials nito kaya tinitingnan natin yung magiging adjustment at kung magkano," ani Castelo.

Aabutin ng 4 hanggang 6 na linggo ang pag-aaral ng DTI para timbangin din ang pangangailangan ng mamimili at manufacturers nang hindi maaapektuhan ang kalidad ng produkto.

Ipinayo naman ng DTI sa mga mamimili na mas makatitipid kung sa mga supermarket bibili dahil doon nababantayan ang presyo ng mga produkto.

—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
bilihin
konsumer
Price Patrol
supermarket
basic goods
milk
sardines
cooking oil
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT