Palarong Pambansa: Archer, kinabahan sa pagsindi sa cauldron dahil sa Pangulo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Palarong Pambansa: Archer, kinabahan sa pagsindi sa cauldron dahil sa Pangulo

Karl Cedrick Basco,
ABS-CBN News
Published Apr 16, 2018 11:04 AM PHT
|
Updated Apr 20, 2018 10:29 PM PHT

BANTAY, Ilocos Sur - Sa libo-libong atleta, guro, tagapagsanay at mga bisita na nanonood sa kanya, isang tao lamang ang naging dahilan ng kaunting kabang naramdaman ng champion archer na si Luis Gabriel Moreno.

Bagamat sigurado si Moreno na maiilawan niya ng maayos ang cauldron ng Palarong Pambansa, inamin niya na kinabahan siya sa pagpana dahil alam niyang nanonood si Pangulong Rodrigo Duterte.

"Medyo kinabahan ako kasi nandito si President nga. Gusto ko ipakita 'yung Filipino talent," kuwento ni Moreno sa ABS-CBN News.

Sa kabila ng nerbiyos na naramdaman, nangibabaw pa rin umano sa kanya ang katuwaan na mapapanood siya ng Presidente na mag-archery.

Hindi ito ang unang beses na may atletang nagbukas ng cauldron gamit ang bow and arror para sa isang malaking kompetisyong pampalakasan.

Noong 1992 Barcelona Olympic Games, pormal na nagbukas ang olimpiyada matapos panain ni Antonio Rebollo ng Spain ang cauldron.

Ibinahagi rin ng archer na si Moreno ang kagalakan na maihanay sa mga kilalang personalidad sa larangan ng pampalakasan. Kasama si Moreno sa ilang atletang kinilala sa pagbubukas ng Palarong Pambansa.

Nakasama niya sina Efren 'Bata' Reyes ng bilyar, Paeng Nepomuceno ng bowling, Elma Muros ng track and field, Hidilyn Diaz ng weightlifting, at Onyok Velasco ng boksing.

"I am so honored na makasama ako with them. I was able to showcase my talent to everyone especially sa mga young na atleta," ani Moreno.