KILALANIN: Nag-iisang atletang taga-Marawi sa Palaro, 3 araw lang nakapaghanda | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KILALANIN: Nag-iisang atletang taga-Marawi sa Palaro, 3 araw lang nakapaghanda

Karl Cedrick Basco,
ABS-CBN News
Published Apr 16, 2018 05:53 PM PHT
|
Updated Apr 20, 2018 10:25 PM PHT

VIGAN, Ilocos Sur -- Labing-isang buwan mula nang pumutok ang giyera, at anim na buwan mula nang ideklara ang paglaya ng lungsod sa armas, kanyon at bomba ng Maute, muling haharap ang 13-anyos na si Prince Najeeb Langitao sa bakbakan.

Ngunit ngayon hindi sa paraang madugo at mapangwasak na laban, kundi pagkakataong iangat ang minsang nadungisang pangalan ng lungsod ng Marawi.

Si Langitao ang nag-iisang manlalaro mula sa siyudad na lalahok sa 2018 Palarong Pambansa sa Ilocos Sur kung saan makikipagtagisan ito sa pinakamahuhusay na atleta ng tennis sa elementarya sa buong bansa -- labang mas nanaisin niyang makita nang paulit-ulit.

Kuwento ng Grade 5 student na si Langitao, ito ang unang beses na lalaro siya sa Palarong Pambansa at labis ang kaniyang kasiyahan na dadalhin niya ang pangalan ng Marawi sa pambansang kompetisyon.

"[Gusto ko sana] maging gold medalist," pabirong sabi nito sa ABS-CBN News. "Para sana maging happy ang mga magulang ko."

Bagamat target niyang makapag-uwi ng medalya sa torneo, inamin nito na maikli lamang ang kaniyang naging preparasyon para sa Palaro. Habang ang karamihan ng kaniyang makakalaban ay nag-ensayo ng mga buwan, kinailangan lamang ni Langitao ng 3 araw para maghanda sa laban.

"Hindi ako pinalaro ng papa ko. Pinag-focus muna niya ako sa studies ko," pahayag ng bronze medalist sa tennis sa ARMM.

Nahinto rin kasi nang aabot sa 9 na buwan ang kanilang pag-aaral sa Marawi bunsod ng gulo na sa lugar na kumitil sa maraming buhay at sumira sa lungsod.

Ayon sa atleta, kinailangan niyang mag-ensayo ng sarili sa kanilang probinsiya sa Marantao, kung saan sila lumikas nang pumutok ang giyera.

"Wala akong coach na nag-practice. Sariling practice lang ako, play play lang sa amin para 'di ko makalimutan," ani Langitao.

Nasa Mindanao State University (MSU) si Langitao at ang kanyang buong pamilya noong Mayo 2017 nang lumusob ang armadong mga miyembro ng Maute sa main gate ng paaralan.

Ayon sa kaniya, bigla na lamang nagtakbuhan 'yung mga estudyante ng MSU sa kani-kaniyang dorm noong araw na iyon.

"Narinig din namin 'yung mga putok putok [ng baril]. Sinarado agad ng magulang ko 'yung tindahan namin sa MSU," aniya.

Mabilis naman silang nakalikas kinabukasan at agad na nakatakbo sa bahay ng kaniyang lolo at lola sa Marantao.
Mabilis naman silang nakalikas kinabukasan at agad na nakatakbo sa bahay ng kaniyang lolo at lola sa Marantao.
ADVERTISEMENT
Simula noon, madalas na siyang paalalahanan ng kaniyang magulang na tennis court lamang pumunta kapag lalabas ng bahay. Ngunit hindi naman siya natatakot sakaling maulit ang gulo sa Marawi.

Sa tennis court na lamang ang naging tambayan ni Langitao. Sa edad na 6, nagsimula na siya maglaro ng tennis dahil na rin sa tulong ng kaniyang ama na marunong din sa isport.

"Marami nagte-tennis sa side ng mama ko tapos 'yung papa ko nagte-tennis sa MSU," kuwento ni Langitao. "Hanggang ngayon nakakalaro ko pa papa ko."

Una naman niyang naransan magkampeon sa isang torneo nang manalo noong siya ay 10-taong-gulang sa Marawi. Nagtuloy-tuloy ito hanggang sa makapasok siya ngayong taon sa Palaro.

Sa Miyerkoles, aapak siya sa tennis court ng Palarong Pambansa, hangad na makilala ang kaniyang bayan hindi sa gulo kundi sa galing.

"Hindi magulo sa Marawi. Dumating lang ang Maute," huling pahayag nito sa ABS-CBN. "Peaceful na ngayon doon."

Para sa iba pang balitang pampalakasan, pumunta sa website ng ABS-CBN Sports.