Nakapaang atleta ng Bicol, nasungkit ang unang ginto sa Palarong Pambansa | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nakapaang atleta ng Bicol, nasungkit ang unang ginto sa Palarong Pambansa

Nakapaang atleta ng Bicol, nasungkit ang unang ginto sa Palarong Pambansa

Karl Cedrick Basco,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 20, 2018 09:44 PM PHT

Clipboard

Napanalunan ni Lheslie De Lima ng Camarines Sur ang unang gintong medalya na nakataya sa Palarong Pambansa 2018. Mark Demayo, ABS-CBN News

BANTAY, Ilocos Sur -- Hindi inalintana ni Lheslie De Lima ng Camarines Sur ang init sa Quirino Stadium nang nakapaang itakbo ang unang gintong medalyang nakataya sa 2018 Palarong Pambansa Lunes.

Nagreyna ang 13-anyos na si De Lima sa 3,000-meter run ng secondary girls matapos talunin ang atleta mula Northern Mindanao na si Camila Tubiano.

Ayon sa incoming Grade 8 ng Baao National High School, pinanatili lamang niya ang bilis ng takbo sa huling 200 metro ng laban nang magsimulang dumikit sa kanya si Tubiano na tumakbo ring nakapaa.

Bagamat nagagawang mag-ensayo nang nakasapatos, mas pinili ni De Lima na tumakbo nakapaa.

ADVERTISEMENT

Ito ang kauna-unahang gintong medalya ni De Lima sa Palarong Pambansa matapos ang 3 pilak na medalyang nakuha noong siya ay nasa elementarya pa.

Anak ng isang magsasaka sa Baao, Camarines Sur si De Lima at ikalima sa 7 magkakapatid.

Nagsimula siyang sumali sa track and field noong siya ay Grade 5 at ngayo'y nakalahok na sa ikatlong sunod na Palarong Pambansa.

Inamin din niya na inasahan niyang maiuwi ang gintong medalya lalo pa't naging mahaba rin ang naging preparasyon niya bago ang Palaro.

May natitira pang 2 kompetisyon ang nangangarap na maging guro na atleta, ang 800-meter at kanyang paboritong 1,500-meter run.

Dismayado naman sa naging resulta ang Northern Mindanao dahil sa anilang hindi maayos na pagpapatakbo sa laban.

Hindi naging malinaw para sa mga mananakbo kung ilang ikot pa ang kailangan nilang takbuhin sa oval kaya naman sumobra ng isang round ang kanilang takbo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.