Palasyo, OK sa agarang pag-alis sa Comelec ni Bautista | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Palasyo, OK sa agarang pag-alis sa Comelec ni Bautista

ABS-CBN News
Published Oct 23, 2017 07:19 PM PHT
|
Updated Oct 23, 2017 10:11 PM PHT

Natanggap na ni Comelec Chairman Andres Bautista ang tugon ng Malacañang na nagsasabing "effective immediately" o kagyat na epektibo ang pagbibitiw niya mula sa Commission on Elections.

"Anuman ang maging pasya ng ating Pangulo ay aking gagalangin. Ito ang kaniyang tugon sa aking sulat kaya't aking tinatanggap," ani Bautista.

Nito lang Oktubre 11, nagpasa ng resignation letter si Bautista kasunod ng kinaharap na kontrobersiya dahil sa alegasyon ng misis na mayroon umano siyang halos P1-bilyong tagong yaman.

Paliwanag pa ni Bautista nang mag-resign, itinaon niya ang pagbibitiw sa katapusan ng taon upang bigyan ng panahon si Pangulong Rodrigo Duterte na humanap ng kaniyang kapalit.

ADVERTISEMENT
Pero ilang oras lang matapos magbitiw, na-impeach si Bautista sa Kamara.

Sa botong 137-75, nagdesisyon noon ding Oktubre 11 ang mga kongresista sa plenaryo na baliktarin ang naunang pasya ng House justice committee na ibasura ang impeachment complaint laban kay Bautista.

Ngayong tuluyan nang bababa sa puwesto si Bautista, ipinauubaya niya na rin lang sa mga kongresista kung ano'ng mangyayari sa impeachment case laban sa kaniya.

"Hayaan na lang natin ang Kamara na magpasya tungkol diyan," ani Bautista.

Dati nang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na maaaring hindi matuloy ang impeachment kung kagyat ding aalis sa puwesto si Bautista.

"Kung ang resignation niya effective immediately, wala na po kaming i-impeach," ani ALvarez.

Tingin naman ni Bautista, mainam na ring bumaba siya ngayon sa puwesto habang may panahon pa bago ang barangay at sangguniang kabataan elections sa 2018, at ang national at local elections sa 2019.

"Mabuti rin na mabigyan ng sapat na panahon ang papalit sa'kin para makapaghanda," ani Bautista.

Aniya, pag-uusapan pa ng Comelec en banc kung sino ang pansamantang hahalili sa kaniyang puwesto habang wala pang itinatakdang kapalit ang Pangulo.

Bago pa man magbitiw, nauna nang hinimok si Bautista ng mga kasamahang opisyal sa Comelec na lumiban muna sa trabaho o kaya'y tuluyan nang umalis sa puwesto.

Kung hindi nagbitiw, hanggang Pebrero 2022 pa ang termino dapat ni Bautista sa Comelec na kaniyang pinamunuan simula Mayo 2015 kasunod ng pagtatalaga sa kaniya sa puwesto ni noo'y Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.

Ayon kay Bautista, ngayong magpapaalam na siya sa Comelec, pinakamami-miss niya ang mga kawani nito.

"Magaling ang Comelec bureaucracy, maaasahan sila, dapat lang silang kilalanin at bigyan ng kaukulang pansin sa kanilang trabaho," ani Bautista.

Natanong din si Bautista kung ano nang gagawin niya pagkatapos bumaba sa puwesto.

"Unang-una, gusto kong gawin is maghatid-sundo ng mga anak."

--May ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
Comelec
Commission on Elections
Andres Bautista
Rodrigo Duterte
Malacañang
resignation
impeachment
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT