Bintang ng asawa: COMELEC chief, may P1 bilyon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bintang ng asawa: COMELEC chief, may P1 bilyon

Bintang ng asawa: COMELEC chief, may P1 bilyon

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 08, 2017 12:38 AM PHT

Clipboard

(UPDATE) Pinagbintangan ng kanyang asawa si Commission on Elections Chairman Andres Bautista na may hanggang P1 bilyon ng tago o hindi maipaliwanag na yaman -- isang akusasyong maaaring makapagtanggal sa posisyon sa hepe ng ahensiyang nangangasiwa ng halalan sa Pilipinas.

Handa namang humarap, kung sakali, sa impeachment complaint si Bautista. Bilang Comelec chairman, si Bautista ay maaaring maalis sa posisyon kung ito ay ihahabla at lilitisin sa Kongreso.

"As an impeachable officer, that is always part and parcel of our terrain. If and when that happens, then I will have to face it," ani Bautista sa isang interview sa ANC.

May plano ngayong maghain ng impeachment complaint laban kay Bautista sa Kamara kasabay ng imbestigasyon sa NBI.

ADVERTISEMENT

May resolusyon na rin sa Senado para imbestigahan ang akusasyon laban kay Bautista.

Ayon kay Sen. Grace Poe, hindi ito basta away-mag-asawa na lang. Kailangan daw ng lifestyle check, hindi lang kay Bautista kundi sa lahat ng mga matataas na opisyal ng Comelec.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na kailangang lubos na maimbestigahan ang bintang laban kay Bautista.

Hindi naman direktang sinagot ng Palasyo kung susuportahan ng Pangulo ang posibleng impeachment case laban kay Chairman Bautista.

Pahayag ng asawa ni Bautista na si Patricia, nadiskubre niya ang mga dokumento ng mga pag-aari at ilang mga passbook na nakapangalan sa kanyang asawa na hindi kasama sa ipinasa nitong 2016 statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Ayon sa isang ulat ng Philippine Daily Inquirer, nagsumite ang asawa ni Bautista ng affidavit sa National Bureau of Investigation noong isang linggo at inakusahan ang chairman na maaaring mayroong ginawa o kasalukuyang may ginagawang korupsiyon habang nasa serbisyo sa gobyerno.

Itinanggi ni Bautista ang alegasyon at sinabing nais lang mangikil ng kanyang asawa at nakikipagrelasyon ito sa iba.

"Itong problema pong ito ay nagsimula noong 2013 dahil mukhang mayroon po siyang third party at ito po ay alam ng marami," ani Bautista.

Sabi rin Bautista, dumaan na sa 'counseling' ang kanilang problemang mag-asawa pero lalo itong lumala noong Nobyembre 2016 nang pumunta siya sa Estados Unidos.

Inakusahan niya ang asawang si Patricia na nais samantalahin ang kanyang US trip para mag-withdraw ng $117,000 mula sa kanilang joint account at ilipat ito sa kanyang personal account.

Sinabi rin ni Bautista na pinagbawalan siya ng kanyang asawa na pumasok sa kanilang bahay at ni-'ransack' ang kanyang cabinet at kinuha ang ilang dokumento.

"In this situation, I am the victim. I am the victim of betrayal," aniya sa panayam sa ANC.

"I never thought a man could be raped. That is how I felt when I was prevented from entering my own house, when all of a sudden , the locked cabinets belonged to me were forced open, documents were taken without my consent."

Dinoktor rin umano ang mga dokumento na ebidensiya ng affidavit ng asawa.

Pinanindigan niyang wala siyang itinagong kayamanan at totoo at tama ang kanyang 2016 SALN.

Sabi ni misis...

Sa panayam kay Patricia ng Philippine Daily Inquirer, sinabi niyang ayaw niyang madawit siya o ang kanilang mga anak sa umano'y kaduda-dudang yaman ng mister.

Sabi niya rin, nag-panic siya nang matuklasan ang mga dinepositong halagang umaabot sa halos kalahating milyon kada araw sa account ng mister.

May iba pa raw pag-aari ang kaniyang mister na kamakailan na lang nalaman.

“I got to a point where I realized that these things could be items of question, they could be things that could get my children in trouble, me in trouble," ani Patricia. "What will happen if both their parents are charged or whatever? What’s gonna happen to my kids?”

Aniya, gusto niya rin turuan ng leksiyon ang mister na gawin ang tama.

Ayon sa abogado ni Patricia Bautista na si Atty. Lorna Kapunan, malabong mapeke ng kaniyang kliyente ang mga inilabas na ebidensiya na nagsasabing maraming bank accounts si Bautista, at sa iba't ibang bangko gaya ng mahigit P300 milyon sa Luzon Development Bank at mahigit $12,000 account sa RCBC.

Mayroon ding high-end properties at stocks sa iba't ibang kompanya si Bautista na kung susumahin, aabot sa halos P1.3 bilyon.

Ayon pa kay Kapunan, ito lahat ang pinagbatayan ni Patricia sa hinihinging settlement amount na P620 milyon.

Hindi rin daw totoo ang alegasyon ng pagtataksil ni Patricia ayon kay Kapunan.

"I'd like to say, so what? What does this have to do with 1.8 billion. But really, that's not true," ayon sa abogado.

Paliwanag pa niya, natakot si Patricia sa asawa kaya humingi na ng tulong kay Pangulong Duterte.

Kapwa naman hindi kinompirma nina Bautista at Kapunan ang impormasyong si Liza Marcos, asawa ni dating Senador Bongbong Marcos, ang isa sa naging tulay para makaharap ni Patricia si Duterte.

-- May ulat nina Adrian Ayalin, Zen Hernandez, Oman Bañez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.