Bautista, bababa bilang Comelec chair sa katapusan ng taon

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2017 02:36 PM | Updated as of Oct 12 2017 01:47 AM

Ipinahayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Juan Andres "Andy" Bautista ang kaniyang pagbibitiw sa puwesto epektibo sa pagtatapos ng taon. 

"It is with deep sadness that I am informing you about my decision to resign as the Chair of the Commission on Elections by the end of the year," ayon sa sulat ni Bautista sa mga empleyado ng Comelec na isinapubliko niya sa kaniyang Twitter account. 

Ayon kay Bautista, nais niyang tutukan naman ang kaniyang pamilya, lalo na ang kaniyang mga anak.

Naging mainit na usapin ang pamilya ni Bautista matapos lumabas ang kaniyang asawa at pagbintangan siyang may tagong yaman.

Humantong pa ito sa paghahain ng impeachment complaint laban kay Bautista, na ibinasura kamakailan ng House justice committee.

Pinabulaanan naman niya na ang kanyang nakatakdang pagbibitiw ay kapalit ng pagbasura ng impeachment complaint. 

Ayon kay Bautista, akma ang panahon ng kaniyang pagbibitiw lalo na't naisabatas na ang pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Dagdag pa niya, itinaon niya ang pagbibitiw sa katapusan ng taon upang bigyan ng panahon si Pangulong Rodrigo Duterte na humanap ng kaniyang kapalit. 

Nagpasalamat naman si Bautista sa kaniyang mga katrabaho sa Comelec.

"I am thankful for the love, prayers and support you have shown me, most especially during my most challenging times. From the bottom of my heart, thank you, my Comelec family. It has been a joy and privilege to work with you."

'Honorable exit'

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, isang "honorable exit" ang ginawa ni Bautista upang maprotektahan ang kaniyang pamilya.

"The resignation is an honorable exit given the furor that erupted following the rupture of the marital bond...In the end his decision was motivated by his desire to protect his children from the debilitating consequences arising from his family being in the vortex of an injurious public controversy," ani Panelo.

Ayon naman kay Kabayan Representative Harry Roque, na isa sa mga nag-endorso ng impeachment complaint laban kay Bautista, magbibigay-daan ang pagbibitiw sa pag-usad ng mga kasong isinampa laban sa opisyal. 

"With this decision, I will no longer support the reversal of the House Committee on Justice report on the dismissal of the impeachment complaint against him. Because of his planned resignation, the cases filed against Chairman Bautista can now proceed," ayon kay Roque. 

Nagsimulang magsilbi si Bautista sa Comelec noong 2015.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.