Bautista ng Comelec: Na-impeach matapos magsabing magre-resign | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bautista ng Comelec: Na-impeach matapos magsabing magre-resign

Bautista ng Comelec: Na-impeach matapos magsabing magre-resign

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 11, 2017 10:53 PM PHT

Clipboard

Matapos ianunsiyo nitong Martes ng umaga ang kaniyang intensiyong magbitiw sa puwesto sa katapusan ng taon, itinulak ng House of Representatives ang impeachment complaint laban kay Commission on Elections Chairman Juan Andres "Andy" Bautista.

Sa botong 137-75, nagdesisyon ang mga kongresista na baliktarin ang naunang pasya ng House justice committee na ibasura ang impeachment complaint laban kay Bautista matapos isalang ang report sa plenaryo. Dalawa ang nag-abstain sa botohan.

Itinuturing na "impeached" si Bautista at nakatakdang sumailalim sa paglilitis sa Senado na tatayo bilang impeachment court.

Sa kaniyang pahayag matapos ianunsiyo ang intensiyong magbitiw, sinabi ni Bautista na "bukas" pa rin siyang manatili sa puwesto sakaling alukin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

ADVERTISEMENT

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, puwede pa namang makaiwas si Bautista sa impeachment trial kung magiging epektibo na agad ang pagbibitiw niya bilang pinuno ng Comelec.

"Baka naman nakatunog siya na matatalo siya sa plenaryo, inunahan niya ngayon ng resignation. Pero ginawa niyang end of the year. Siguro para to convince us na huwag nang ituloy ang deliberations sa plenary," ani Alvarez sa panayam sa "Dos por Dos" ng DZMM.

"Kung ang resignation niya effective immediately, wala na po kaming i-impeach."

'Masaklap'

Sa nilabas na reaksyon ni Bautista, sinabi nitong "unfortunate" ang naging desisyon ng mga kongresista, lalo na't ipinadala na umano niya ang resignation letter sa Palasyo.

Paliwanag niya, itinaon niya lamang sa katapusan ng taon ang pagbibitiw upang masiguro ang maayos na paglilipat ng responsibilidad sa kaniyang kapalit.

ADVERTISEMENT

Tinawag niya ring "unnecessary" o hindi na kailangan ang ginawa ng mga kongresista.

Gayumpaman, sinabi niya na handa siyang sumailalim sa proseso ng impeachment ayon sa Saligang Batas.

Walang 'personal knowledge'

Ibinasura ng House committee on justice noong Setyembre 20 ang impeachment complaint laban kay Bautista dahil wala umanong "personal knowledge" sa mga alegasyon ang mga complainant na sina Ferdinand Topacio at Jacinto Paras.

Ang reklamo kay Bautista ay naglalaman ng iba't ibang akusasyon, isa na rito ang bintang ng sarili niyang asawa na meron siyang halos P1-bilyong tagong yaman.

Bago ang anunsiyong magbibitiw, nauna nang hinimok si Bautista ng mga kasamahang opisyal sa Comelec na lumiban muna sa trabaho o kaya'y tuluyan nang umalis sa puwesto.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.