Vigilantes o sila-sila rin? Pulis, may teorya sa pagpatay sa 'persons of interest' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vigilantes o sila-sila rin? Pulis, may teorya sa pagpatay sa 'persons of interest'

Vigilantes o sila-sila rin? Pulis, may teorya sa pagpatay sa 'persons of interest'

ABS-CBN News

Clipboard

Posible umanong ang mga kasama sa pagmasaker sa isang pamilya sa Bulacan ang mismong mga nasa likod ng pagpatay sa dalawang nauna nang naging "persons of interest" sa insidente.

Ayon kay Chief Superintendent Aaron Aquino, regional director ng Police Regional Office 3, pwede rin umanong mga taong galit sa kanila o vigilante groups ang nasa likod ng pamamaslang.

"Any individual or group can do this. It can be vigilantes na galit sa kanila or sila-sila po. Nagkakapraningan na po sila. Sila-sila nagpapatayan na kasi natatakot sila na baka mamaya ma-invite yung isa sa kanila na magsalita na rin kung ano ang role ng bawat isa," sabi ni Aquino.

Nitong Miyerkoles, pinagbabaril at napatay ng dalawang lalaking nakatakip ang mukha si Rosevelth Sorima, alyas 'Ponga'.

ADVERTISEMENT

Nauna nang itinanggi ni Sorima na may kinalaman siya sa massacre sa pamilya ni Dexter Carlos Sr.

Bago si Sorima, natagpuan din ang bangkay ng isa pang person of interest na si alyas Inggo na may mga saksak sa katawan. Putol din ang limang daliri nito sa kamay at sinakal gamit ang pump belt. May karatula din nakita sa bangkay nito na nagsasabing "Addict at Rapist ako Huwag Tularan".

Hinihinalang pinatay sa sakal sa pamamagitan ng pump belt si alyas "Inggo." Doland Castro, ABS-CBN News

Samanta, nawawala pa rin si Alvin Mabesa at wala naman sa bahay nito si alyas Tony, dalawa pa sa persons of interest ng pulisya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.