'Person of interest' sa Bulacan masaker, binaril sa loob ng bahay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Person of interest' sa Bulacan masaker, binaril sa loob ng bahay

'Person of interest' sa Bulacan masaker, binaril sa loob ng bahay

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 05, 2017 04:49 PM PHT

Clipboard

MANILA - Isa pang "person of interest" sa masaker sa San Jose Del Monte, Bulacan ang pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang salarin Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Rosevelth Sorima, na unang nakapanayam ng ABS-CBN News at itinanggi ang kanyang koneksiyon sa pagpatay sa mag-iina.

Ayon kay Rosario, ina ng biktima, nagluluto ng tanghalian sa kanilang bahay sa Northridge Royale Subdivision sa San Jose del Monte nang pasukin sila ng 2 armado't nakamaskarang lalaki.

Giit ni Aling Rosario, walang kinalaman ang kanyang anak sa masaker at lagi siyang sumasama sa imbestigasyon ng pulisya kapag siya ay pinapatawag.

ADVERTISEMENT

"Bakit naman po ginanoon ang anak ko na wala pong kasalanan? Palagi naman pong iniimbitahan ng mga pulis. Sabi nila wala naman daw nang problema 'yun," aniya.

Dagdag pa ng ina, agad itinakbo sa ospital ang kanyang anak pero sa balitang nakarating sa kanya ay binawian na ito ng buhay. Kinukumpirma na ng news team ang lagay ng biktima.

Kahapon, natagpuan namang patay ang isa pang person of interest sa masaker na si alyas Inggo. Natagpuan itong walang t-shirt, napupuluputan ng pump belt ang leeg at may mga saksak.

Hinihinalang pinatay sa sakal sa pamamagitan ng pump belt si alyas "Inggo." Doland Castro, ABS-CBN News

Isang alyas Tony naman, isa ring person of interest, na dati nang lumutang sa pulisya ang hindi mahagilap ngayon, habang si Alvin Mabesa naman ay dinukot at hindi pa nakikita. Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.